“Una sa lahat, hindi naman kailangan maging elective official para magkaroon ng impact or para tumulong.” - Mayor Vico Sotto
TAMA! I understand his point, and taking a break from politics doesn't mean na titigil na siya sa pagtulong sa mga Pilipino or pagiging inspirasyon sa atin.
Of course, gusto rin naman natin siyang makita someday sa mas mataas na posisyon, maybe even as a Senator. Pero hindi rin biro ang humawak ng mas malaking responsibilidad. Kailangan din ng sapat na kaalaman, experience, at mas malalim na understanding sa mga pinagdadaanan ng ordinaryong mamamayan, especially sa current state ng ating bansa at ekonomiya.
I think Mayor Vico understands na marami pa siyang kailangang matutunan at paghandaan bago niya tahakin ang mas malaking responsibilidad. His performance as a mayor already speaks volumes about his leadership, pero hindi naman masamang maglaan muna ng panahon para mas mahasa at maihanda ang sarili.
Gusto natin siyang makita sa national government someday, pero gusto rin natin na pagdating ng panahon, handa na talaga siya. Hindi kailangang madaliin. Mas mahalaga na kapag dumating ang pagkakataon, equipped siya to serve and represent more Filipinos.