The annual #rp612fic trend is always so fascinating to me bc it takes ample knowledge in Philippine (and even global) history, culture, and politics then blending it with modern memes to make peak Filipino humor 🤣
Nakikiramay ang DSWD sa pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay ng basketbolistang si Rene Baterbonia, isang former monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Lubos naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pakikiramay sa kaniyang pamilya sa panahong ito ng pagluluksa. Si Rene ay kabilang sa mga dating benepisyaryo ng 4Ps na matagumpay na nakaalis sa programa dahil sa pagbuti ng kalagayan at pag-angat ng antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya.
Ang buhay ni Rene ay magsisilbing inspirasyon sa marami, lalo na ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral, disiplina at pagsisikap na matupad ang kanyang mga pangarap.
Kaisa ninyo kami sa pananalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Rene at sa paghingi ng lakas, kapanatagan at katatagan para sa mga naulila.