Atin syang sisingilin sa patuloy na paghihirap ng dumaraming Pilipino. Sa huli, atin syang sisingilin sa pagbebenta ng soberanya ng Pilipinas at gawin itong lunsaran ng mga militar na kagamitan sa napipintong inter-imperyalistang giyera sa West Philippine Sea. ###
Atin syang sisingilin sa pagkamatay ng mga tanggol-karapatan na sina Alex Dolorosa, at Ali Macalintal, sa patuloy na pagkakakulong nina Verdy Pongasi, Alex Pacalda, at Ate Chai Fortaliza, at sa pagkakait ng hustisya kay Jennifer Laude, Chad Booc, at Ryan Hubilla.
Sa darating na State of the Nation Address ngayong Hulyo 2025, asahan na kasama ng iba't ibang pang-masang organisasyon ang Bahaghari na pamumunuan ang laksa-laksang sangkabaklaan upang ihayag ang disgusto ng LGBTQ+ community sa inutil, marahas, at pasistang rehimen ni Marcos.
kilusang pagpapalaya ng LGBTQ+ at sangkatauhan, hindi lang sa lahat ng porma ng diskriminasyon kundi mismo sa naaagnas nang sistemang panlipunang naninikluhod sa salapi habang ang mayorya ay naghihikahos at nagugutom.
Nagsisimula pa lamang tayo! Wasto nating pinamunuan ang militanteng tradisyon ng Pride. Daan-daan na ang nakiisa. Sa mga susunod pang buwan ay magpapalakas at magpaparami tayo. Walang pagdadalawang-isip nating tatanganan at ipapaalala ang radikal na simulain ng Pride bilang
Japan, Canada, New Zealand, at Australia. Nilalagay lamang nito sa kapahamakan ang soberanya ng bansa, ipinagkakanulo ang sambayanang Pilipino sa mga dayuhang interes, kapalit ng mga tulong-pinansyal para kumapal at lumalim ang bulsa ni Marcos Jr. at kanyang mga kasapakat.
Ganitong uri ng pagpapahirap ang dinaranas ng buong sambayanan sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. Patuloy ang pagtatayo ng mga base militar at mga 'di pantay na mga kasunduan hindi lang sa pagitan ng Estados Unidos, kundi na rin sa mga "junior partners" nito, katulad ng
Walang kasing-kwenta naman ang singkwentang umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) dulot ng mga pagtaas ng bilihin at langis, sa gitna ng mga sigalot sa Kanlurang Asya, na tila pagpapabango lang ng rehimeng Marcos Jr.
Hindi man ito pinalad na maipasa sa 19th Congress ngunit hindi naman tayo nawawalan ng pag-asa na harapin muli ang mga pagsubok na pagdaraanan nito sa 20th Congress. Gayundin, kasabay nitong namatay ang pinaka-una sanang legislated wage hike simula pa 1980's.
Kaalinsabay din ng pagtatapos ng Pride ang pagbubukas ng ikatlong taon ng pagkakaupo ni Marcos Jr. sa Malacañang. Hindi natin makakalimutan ang pagsasawalang-bahala nya sa kahilingan ng LGBTQ+ community sa bansa, primarya na ang SOGIESC Equality Bill.
Hindi natatapos sa Pride ang panawagan ng LGBTQ+ at mamamayang Pilipino para protektahan ang LGBTQ+ community laban sa karahasan at diskriminasyon, magkaroon ng nakabubuhay na sahod para sa lahat, tunay na repormang agraryo, pagtatayo ng mga pambansang industriya,
Sa pagtatapos ng Pride month, ating pinasasalamatan ang lahat na nakiisa, rumampa, at nakibeki kasama natin, di alintana ang dahas ng kapulisan at patak ng ulan. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng mga volunteers, cultural workers, at mga organisador para maisakatuparan ito.
bilang Araw ng Sangkabaklaang Anakpawis habang inaalala at pinagpugayan ang mga nasimulan nina Mama Allan Tolosa, Fr. Richard Mickley, at dose-dosena pang mga bakla at lesbyanang aktibista noong 1994, mga taga-simula ng mga selebrasyong Pride sa Pilipinas at Asya Pasipiko.
Noong 26 Hunyo 2025, matagumpay nating pinangunahan ang pagpapakilos sa daan-daang LGBTQ+ persons at mga alyado sa kauna-unahang bugso ng Stonewall Philippines sa Mendiola, Siyudad ng Manila. Walang alinlangan nitong hinawi ang mga barikada upang idaos at ideklara ang Hunyo 26
WATCH: Bahaghari chair Reyna Valmores Salinas and other LGBTQ+ and progressive leaders break apart police barricades blocking the path of the Stonewall Philippines Pride march. #AngPrideAyProtesta