Wala eh, ganun talaga.
Minsan ginagawa mo naman lahat, pero parang walang nangyayari. Araw-araw kang lumalaban, napapagod, pero pakiramdam mo wala ka pa ring nararating.
Nakaka-frustrate. Kukwestyunin mo talaga sarili mo. Minsan mapapaisip ka pa kung worth it pa ba lahat ng effort.
Pero hindi naman kase lahat ng progress nakikita agad. May mga bagay na kailangan munang mabuo sayo bago dumating yung para sayo.
Kaya kung pakiramdam mo wala kang usad, baka di lang talaga siya nakikita ngayon. Di man natin maintindihan lahat, gusto ko maniwala na may dahilan bawat paghihintay tsaka pagod.
Darating din yung panahon na maiintindihan mo kung bakit kailangan mong pagdaanan lahat ng to.
Yun ang usad.
“His music allows people to cry, to remember, to sit with what hurts, to feel love, loss, longing, and hope—all in the same breath. And slowly, without trying, Maki himself becomes the very thing the song describes: a kahel na langit.”
🥺