ELECTION ALERT: NASAYANG BA ANG BOTO MO DAHIL SA "OVERVOTE"?
Naalarma na ang ilang netizens matapos ma-invalidate ang boto nila dahil sa isyu ng "overvote."
Ang panawagan ng iilan, huwag diinan ang pag-shade sa balota dahil tumatagos ang tinta sa likod nito.
Dahil sa pagtagos ng tinta sa likod, may iilan ang na-invalidate ang boto dahil nag-overvote diumano ng partylist, kahit iisang partylist lang ang binoto nila.
Ito ang naging pahayag ni Makabayan spokesperson Reyna Valmores Salinas (@ReynaValmores) sa X (dating Twitter): "We have received reports that ink penetrates the backside of ballots kapag dinidiinan."
Matatandaan na ibinaba ng Commission on Elections (COMELEC) ang shading threshold sa balota na hanggang 15% na lamang.
Ito ang diumanong rason kung bakit kahit ang pagtagos ng tinta mula sa harap hanggang likod ng balota ay nababasa bilang boto.
"Tumatagos at naka-count as a vote for a partylist in the back, resulting in overvoting. Para maiwasan ito, huwag diinan ang shading sa harap para di tumagos sa likod," panawagan ni Salinas sa mga netizens.
Iba't ibang netizen na rin ang nanawagan sa COMELEC na ayusin ang isyu habang maaga pa dahil maraming nasasayang na boto.
"Isa lang yung shinade ko sa partylist pero ang lumabas sa resibo 'overvote.' Sigurado ako hindi ako magshe-shade ng dalawa. Walang challenge mechanism, 'yung nagbabantay sinabi lang, 'paano yan?' at 'wala na hindi na natin makikita,'" sinabi ng isang netizen.
"Ang unfair lang, nag undervote ako sa senator tapos tumama naman lahat ng nasa front page. Talagang yung partylist pa yung nadali, which is yung nasa likod," aniya. | @DZRHNews
#TheSituationReport
#DZRHNews