'NAG-SENADOR BA AKO PARA SA [MGA] DUTERTE?'
Iginiit ni Sen. Bato dela Rosa na nananatili sa taumbayan ang katapatan niya kasunod ng mga kritisismo sa pagiging loyal niya umano sa mga Duterte.
"Bakit, nag-senador ba ako para sa Duterte? Hindi naman Duterte ang bumoto sa akin kundi 'yung buong taumbayan na bumoto sa akin," saad niya sa panayam sa programang “Ted Failon and DJ Chacha” sa True FM ngayong Biyernes, August 8.
"Pero hindi ako naging senador kung hindi dahil sa Duterte kaya normal lamang na mayroon akong loyalty doon kay [dating] pangulong Duterte," dagdag niya.