Isa sa mga prayoridad ni incoming Trade Secretary Alfredo E. Pascual ay ang isulong ang digitalization o digital transformation na aniya’y direktang makahahatak sa mga foreign direct investment (FDI) para sa industriya ng teknolohiya ng bansa.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ibinahagi ni incoming Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan ang plano ng ahensya na ipagpatuloy ang nasimulang Build, Build, Build projects ng kasalukuyang administrasyon sa susunod na administrasyong Marcos Jr.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Sinisiguro ni incoming Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na susunod siya sa Konstitusyon at gagawin aniya ang lahat ng kanyang makakaya kapag naupo na sa pwesto.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Pabor sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa term sharing para sa Senate presidency. Ayon naman kay Sen. Migz Zubiri, kailangan pa itong pag-usapan sa Senado.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Nagpahayag ng labis na pasasalamat si Sen. Ping Lacson para kay outgoing President Rodrigo Duterte dahil sa dedikasyong ipinamalas nito na pamunuan ang militar sa nagdaang anim na taon ng kanyang termino.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Inanunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang planong pagpapairal ng isang bagong anti-gun legislation sa Canada. Layon nitong makontrol at huwag basta-basta mapahintulutan ang ilegal na pagbili ng baril sa bansa.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Nagpaalala si infectious disease expert Dr. Rontgene Solante sa publiko na sakaling magkaroon ng sintomas ng monkeypox ay kaagad na i-isolate ang sarili. Paglilinaw naman ni Solante na malabong matulad sa COVID-19 ang healthcare overload sa epidemya.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ayon kay political analyst Richard Heydarian, kung ayaw ng mga Marcos na masayang ang “second chance” nila, dapat na itaguyod nila ang magandang ekonomiya ng bansa kaysa sa aniya’y “bad politics”.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ayon kay incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, dapat na maging bukas ang lahat hinggil sa mga diskurso tungkol sa kasaysayan katulad na lamang ng Martial Law.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ayon sa spokesperson ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, bago pa man lumabas ang resulta ng eleksyon, handa na si Robredo na tanggapin ang kalalabasan ng halalan.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Naniniwala si Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin na kumpara sa COVID-19 ay mas madaling i-handle ang bagong epidemyang monkeypox. Aniya, ito ay hindi gaanong nakakahawa at mas madaling maprotektahan ang sarili laban dito.
#TheChronicle#YourNewsNOW
‘I will be a secretary on the ground,’ ito ang siniguro ng Broadcast Journalist at incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo na kanyang magiging istilo bilang kalihim ng DSWD. Ipinangako rin niya ang mabilis na pagtugon niya sa kakaharaping suliranin ng ahensya.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Patuloy sa paghihimok ang DepEd sa mga paaralan na makiisa sa pagbabalik ng face-to-face classes sa susunod na taon. Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, pinag-aaralan na ng ahensya kung paano ang magiging sistema ng planong ‘blended learning.’
#TheChronicle#YourNewsNOW
Paalala ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat na ibigay ang buong puso at kakayanan sa lahat ng gagawin dahil hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad at pagkakataon.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ngayong nalalapit nang matapos ang termino ni Pang. Rodrigo Duterte, isa sa mga nais nitong gawin sa kanyang pagreretiro ay ang bumawi sa kanyang mga apo.
#TheChronicle#YourNewsNOW
‘Titiyakin natin na bawal ang masungit,’ ito ang siniguro ni incoming Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa kanyang magiging paraan ng pangangasiwa sa naturang ahensya.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Hinihikayat ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada ang lahat ng newly-elected officials na sumailalim sa Civil Service Commission (CSC) training upang magabayan sila sa paglilingkod sa publiko.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Ibinahagi ni Exec. Sec. Salvador Medialdea na pagkatapos ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte ay plano nitong pasukin ang pagtuturo. Ito ang balak tahakin ng pangulo matapos tanggihan ang alok ng susunod na administrasyon na maging anti-drug czar.
#TheChronicle#YourNewsNOW
Kumbinsido si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na ang kaliwa’t kanang ‘red-tagging’ sa party-list system ang naging sanhi ng kanilang pagkatalo sa #Halalan2022. Aniya, malaking salik na nakaapekto sa pagkatalo ng Bayan Muna Partylist ang disinformation.
#TheChronicle#YourNewsNOW