Girl Boy Bakla Tomboy making a resurgence rn and can i just say that the writing is so brilliant!!! the wit and humor is GOLD and the number of references in this scene alone? PEAK COMEDY😭
China to Trump: You created a global crisis for no reason.
🇺🇸Trump: “We need to spend $2 billion every day to reopen the Strait of Hormuz.”
🇨🇳China’s Foreign Ministry:
“But the strait was already open before the war. This problem started because of your illegal military actions against Iran.
Sa mga nakaraang linggo, napansin ko na paulit-ulit akong nai-tag sa mga post at meme na sinasabing “Lagot kayo kay Heidi Mendoza” o kaya’y ginagamit ang pangalan ko na parang ako raw ang tatawag ng disiplina sa “kabaklaan.” Marami ang nagsasabing biro lang ito, katuwaan lang. Pero habang pinagmamasdan ko ang ganitong mga patawa, napaisip ako nang malalim. Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba? Kailan naging punchline ang identidad at pakikibaka ng isang buong komunidad?
Hindi ako homophobic. Hindi ako transphobic. Hindi ako bigot. Pero aaminin ko, lumaki akong konserbatibo, babae mula sa probinsya, pinalaki ng mga magulang na may simpleng pananaw sa buhay. At gaya ng marami, hindi ko rin agad naintindihan kung bakit kailangang ipaglaban ang SOGIESC equality, ang karapatan ng LGBTQIA+.
Sanay akong ako ang tumatawag ng mali. Ako ang lumalaban sa katiwalian. Ako ang naninindigan. Pero nang ako naman ang na-call in, hindi call out kundi call in, isang paanyaya na makinig, makisangkot, makipagkapwa ng mas malalim, natulala ako. Hindi dahil galit ako. Kundi dahil naramdaman kong matagal na pala silang lumalaban, naghahanap ng kakampi. At ang sakit isipin na ang isang katulad kong palaban, tahimik pala pag laban na nila ang nakataya. Malalim ang tama sa akin nito.
Kanina, kinausap ko si Mela Habijan. Isang matapang na transwoman, writer, actress, content creator, at Miss Trans Global 2020. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Madrid, Spain, at doon, ayon sa kanya, mas nararamdaman niya ang respeto ng mga tao at ang proteksyon ng mga batas para sa katulad niya. Sa Pilipinas, may nagsabi raw sa kanya, “Kahit anong award ang makuha mo, sa impyerno ka pa rin mapupunta.”
Hindi ko alam anong mas masakit, yung mismong sinabi o yung katotohanang maraming naniniwala rito.
Napaisip ako sa mga baklang naging parte ng buhay ko (alam niyo kung sino kayo, alam kong naramdaman niyo na tunay ang pagmamahal at suportang ipinakita ko) mula pagkadalaga ko hanggang sa propesyon ko. Laging may nagpapatawa, nag-aalaga, tumutulong. At palagi kong iniisip, “Safe sila sa akin.” Pero ngayon ko lang talaga naintindihan, hindi sapat na safe sila sa akin kapag kasama ko sila. Ang tanong, safe ba sila sa labas? Sa lipunan? Sa batas? Sa bansang ito?
Real talk, hindi pwedeng pipikit tayo sa laban ng iba habang sumisigaw tayo para sa sariling prinsipyo. Sa dami ng beses na inasahan akong magsalita laban sa katiwalian at pang-aabuso, paano ko naman matahimikang palampasin ang pananakit sa mga taong matagal nang isinasantabi? Ang integridad ay hindi lang nasusukat sa budget audit o sa COA report, kundi sa kung paano ka tumatayo para sa kapwa mo, lalo na sa mga panahong pinipili silang hindi pansinin. At higit sa lahat, ang karapatang pantao ay hindi dapat maging selektibo. Kapag sinasabi nating pantao, para sa lahat iyon.
At bilang taong may pananampalataya, naniniwala akong ang Diyos ay laging nakatuon sa mga nasa laylayan, sa mga inaalipusta, sa mga tinatanggihan, sa mga hindi kinikilala. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nanunukat ng dangal ng kapwa kundi nagbibigay ng lakas ng loob sa kanila.
Matayog ang pangarap ng maraming katulad ni Mela. Gaya ng bawat isa sa atin, may nais silang marating, may talento silang maibabahagi, may adhikain silang isinusulong. At hindi ito dapat mapigilan o hamakin dahil lang sa kanilang sexual preference. Ang pangarap ay hindi dapat sinusukat sa kasarian kundi sa kakayahan, sipag, at puso.
Kaya kailangan natin ng mas maraming dayalogo. Hindi pwedeng debate lang lagi, kailangan ng tunay na pag-uusap, mata sa mata, puso sa puso. Kung mahigit 25 taon nang hindi pumapasa ang SOGIE Equality Bill, baka panahon na para baguhin ang estratehiya. Baka hindi sapat ang pagmamakaawa sa batas. Baka kailangan nating hikayatin ang mga tao na makinig, hindi para manalo ng argumento kundi para umunawa.
Hi! Well, so, basically I have a birthday coming up and I was thinking a fun way to celebrate the year we’ve had together would be to make The Eras Tour Concert Film available for you to watch at home! Very happy to be able to tell you that the extended version of the film including “Wildest Dreams,” “The Archer” and “Long Live” will be available to rent on demand in the US, Canada & additional countries to be announced soon starting on … you guessed it, December 13 🫶💋
🇵🇸🇮🇱 Piers Morgan asks professor @normfinkelstein how he thinks his parents, who were both Holocaust survivors, would’ve reacted to October 7th.
“They [his parents] had the right to hate the people that destroyed their lives, and the people of Gaza have the right to hate the people who destroyed their lives.”
@piersmorgan | @PiersUncensored
The kids are teaching us new things everyday. As a Palestinian, I didn’t catch the media language used to describe Palestinian children.
This Queen did
Bravo 👏 👏
#Gaza
🚨 This is what happens when metal is brought into an MRI room — it gets sucked into the machine.
🤡🇮🇱 ISRAEL wants you to believe Hamas was storing AK-47s inside an MRI room!
https://t.co/AwLPh3Lsw4