Isinusulong na natin sa Senado ang Child Online Safety and Protection Act!
Matagal na natin itinutulak ang pagbabawal ng social media para sa mga edad 16 pababa dahil malinaw sa mga pag-aaral at rekomendasyon ng mga doktor na masama ang epekto ng social media sa mga bata.
Layunin ng panukalang ito na ilayo sila sa mga panganib gaya ng grooming at iba pang banta online.
Panahon nang gabayan ang ating mga kabataan tungo sa ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya.