'I NEED YOUR PRAYERS'
Nanawagan ng dasal si dating presidential spokesperson Harry Roque dahil sa pangamba sa kaniyang kaligtasan matapos magdesisyon ang Pasig City Regional Trial Court Branch 157 na kanselahin ang kaniyang passport.
"I am a creature of prayer. Hindi naman po 'ko tatagal na wala sa Pilipinas... kung hindi ako nananampalataya sa ating Panginoon," pahayag ni Roque sa isang live video sa The Hague, Netherlands.
Plano ni Roque na maghain ng motion for reconsideration para iapela ang pagkansela ng korte sa kaniyang pasaporte.