That does not sound like a description of someone he could fall in love with. That sounds like a description of someone he already fell in love with. He's gone fam.
To summarize, yung 40 video votes ilalaan nalang sa TMA choice group (for BTS) tapos yung 200 stars sa best music summer ilalapag (for come over),,,ayun lang syug kaya bumo is to na kayo✨✨
have you ever thought that sa sobrang chronically online ng taekook, for sure alam nilang may dating rumors sila, but no one bothered denying it? they could stay away or stop posting pictures of each other to deny the rumors, but they didn't. instead mas finifeed pa nila yung fantasy natin, like gets ba? make it make sense. i think pagod lang ako :)
IMPORTANT READ: Pax Silica, solusyon tungong industriyalisasyon?
Habang naghihirap ang libo-libong magsasaka dulot ng malawakang pyudalismo sa bansa, plano pang ibigay ng gobyerno ang higit kumulang 4,000 ektarya ng lupain sa Tarlac at mga natural resources upang gamitin ng Imperyalistang US sa pagpapalawig hindi lamang ng base militar nito kundi upang ipangsangkalan tayo sa gera sa pagitan nila at ng China.
Tinatayang bilyong dolyar ang ilalaan ng mga kasaping bansa gaya ng Estados Unidos, Israel, at South Korea upang iproseso ang mga mineral sa Pilipinas para sa seguridad ng global supply chain nila kontra Tsina.
Imbes nang magamit ang produksyon, teknolohiya, at natural na mga kayamanan ng Pilipinas para sa pampublikong kalusugan, edukasyon, at pagsusuri upang mapatibay ang kakayahan nating bumangon sa iba't ibang krisis ng panahon at kalamidad, eksploytasyon, pagkasira ng kalikasan, at lalong pagtaas ng kuryente kasabay ng pagbaba ng supply ng tubig pa ang magiging epekto nito.
Walang magandang dulot ang Pax Silica sa mga ordinaryong pilipino lalo na sa mga babaeng pesante na bukod sa mawawalan na naman ng lupang tatamnan, maaagawan pa ng badyet na maaaring gamitin upang i-modernisa ang kagamitan sa pagsasaka at suportahan ang lokal na produksyon. Hindi matutugnan ang mga panlipunang pangangailangan tulad ng healthcare, edukasyon, transportasyon, mababang sahod, matataas na bilihin, at krisis sa langis. Wala ring magandang dulot ito sa kabuhayan ng masang anakpawis dahil lalo lamang masisira ang kalikasan na siyang magpapahina lalo ng ating sistemang paggawa at pang-agrikultura.
Kung totoong layunin ng gobyerno ang industriyalisasyon, bakit hindi na lang nila direktang suportahan at pondohan ang mga research ng lokal na siyentista at agrikulturista ng bansa? Bakit hindi na lang nila bigyan ng sapat na badyet ang mga manggagawa at magsasaka imbes nang umasa na naman sa dayuhan para sa sarili nating produksyon at kabuhayan?
Nananawagan kami sa kapwa namin kabataan at sa mga siyentista ng bayan na tutulan ang makabagong panghihimasok ng US sa produksyon, ekonomiya, at industriyalisasyon ng Pilipinas.
US TROOPS OUT NOW!
ISULONG ANG MAKABAYAN AT SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK NG MGA PILIPINO, PARA SA PILIPINO!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!
#NoToPaxSilica
#RejectUSWarMachine
#IPBKIbagsak