BINGI-BINGIHAN?
Binatikos ng political commentator na si Banat By ang kasalukyang administrasyon dahil sa umano’y pagbabalewala sa mga hinaing ng mamamayan at panggigipit sa mga nagnanais magpahayag ng kanilang saloobin.
(1/2)
SINO ANG TOTOONG SALOT?
Ito ang mabigat na pahayag na binitawan ni QC Council Committee Chairman Coun. Rannie Ludovica sa gitna ng malalim na usapin ng korapsyon sa bansa.
(1/2)
BALIKTAD NA BA ANG MUNDO?
Quezon City Councilor Rannie Ludovica pinagsabihan ang isang LTO personnel matapos nitong tiketan ang isang van na may sakay na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na papunta sa rally sa Quezon City.
Samantala, libo-libong ordinaryong motorista ang ilang araw na naipit sa matinding trapik at road closures kaugnay ng mga rally.
Kaya marami ang nagtatanong: Kapag ordinaryong motorista, tiketan agad. Pero kapag sasakyang may kinalaman sa rally, dapat bang palampasin?
Kung may paglabag sa batas-trapiko, hindi ba dapat iisa lang ang pamantayan—kahit sino pa ang sakay o saan man sila papunta?
PATULOY NA MAGSISILBI SA BAYAN
Iginiit ni Sen. Rodante Marcoleta na batid niyang may nagbabantang pag-aresto at pagkakakulong laban sa kaniya matapos ianunsyo ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder sa Sandiganbayan.
(1/4)
TUTOL KAMI SA PAGBALUKTOT SA BATAS — INC
Sa kanilang opisyal na pahayag, iginiit ng Iglesia ni Cristo na hindi sila tutol sa pagpapatupad ng batas pero tutol sila sa pagbaluktot nito para pagtakpan umano ang katiwalian.
Kasunod ito ng biglaang rally ng mga miyembro ng INC sa People Power Monument ngayong Martes, June 30.
Kinuwestiyon din nila ang nakatakdang isampang plunder case laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa natanggap umanong campaign donation ng senador noong 2025 elections.
"Sinusuportahan ng Iglesia Ni Cristo ang itinataguyod ni Senator Marcoleta dahil ito rin ang posisyon namin," saad ni INC Spokesperson Edwil Zabala.
“Kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan nating ninakawan,” dagdag niya.
HINDI DAPAT TAWAGING 'INC RALLY' — LEVISTE
Hinikayat ni 1st District Batangas Rep. Leandro Leviste ang publiko na huwag tawaging Iglesia ni Cristo (INC) rally ang pagtitipon sa EDSA People Power Monument ngayong Martes, June 30.
Ayon sa kongresista, maraming kalahok sa rally ang hindi miyembro ng INC, at nananawagan lang para sa transparency at accountability.
Kasabay nito, naghain ng resolusyon si Leviste para muling ipagpatuloy ng Kamara ang imbestigasyon sa flood control scandal. | via #MOJO Aime Atienza
KORAPSYON, PARANG TB
Nagbabala si Sen. Alan Peter Cayetano na kung hindi seryosong tutugunan ng administrasyon ang korapsyon sa DPWH, partikular na sa mga proyekto sa flood control, ay tiyak na babalik at mas lala pa ang problema sa bansa.
(1/2)
HINDI NATITINAG
Nanindigan si dating Chief Presidential Legal Counsel na si Atty. Salvador Panelo na nananatiling matatag at nakatutok sa kanyang mandato si Vice President Sara Duterte sa kabila ng mga sunod-sunod na batikos at "character assassination" laban sa kanya.
(1/2)
My future President of the Republic of the Philippines 2028
Dont be offended this is my personal account & my own opinion. Lets keep respect even if we disagree. Please avoid cursing. If thats your tone, bless you. My previous post is there DUON KAYO MAG LIKE SA GUSTO NINYO
'WALANG PERPEKTO SA ATIN'
Kinuwestiyon ni Sen. Alan Peter Cayetano ang ilang senador na pumupuna sa kaniyang pag-livestream sa social media.
"Sasabihin niyo kasi mas maraming nanonoood kay Alan Cayetano. Kasi nagsasabi ako ng totoo," saad ni Sen. Cayetano.
"Last year mas marami ang nanonood sa inyo Raffy at Erwin Tulfo. Eh ang problema, nabuko kayo na may tinatago kayo," dagdag niya.
BAGSAK NA GRADO NI BBM
Bumulusok na naman pababa ang net satisfaction rating ng administrasyong Marcos Jr. matapos itong sumadsad sa "poor" na -13 sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong Marso 24-31.
(1/4)
‘WALANG ISINUSULAT, KAHIT ANO’
Hindi napigilang maglabas ng hinaing ni Sen. Rodante Marcoleta sa media dahil hindi umano ipina-publish ang kaniyang mga sagot sa tuwing tinatanong siya.
“Sa totoo lang, ilang beses niyo na akong tinanong, nagpaliwanag ako nang mabuti, pero ‘pag binasa mo na sa mga dyaryo, wala,” aniya. I via Maeanne Los Baños-Oroceo