Sharing: Hacking Attempt via Telegram
Ingat tayo guys. Tumatalino na talaga mga scammers.
May friend ako na founder ng isang project na nag-message sa akin sa Telegram. Sabi niya gusto niya daw akong makausap para humingi ng thoughts ko sa ilang topics. Nag-send siya ng Calendly link para mag-set ng meeting.
Sabi ko nasa biyahe ako papuntang US kaya medyo sabog ang timezone ko, pero pwede naman kami mag-usap agad.
Maya-maya, nag-send siya ng Microsoft Teams invite. Pag-click ko, mukhang legit naman. Nakita ko pa na parang nasa meeting na siya at naghihintay sa akin.
Ang problema, hindi gumagana ang audio.
Tapos may prompt na lumabas na kailangan ko raw mag-download ng file para maayos.
Pero hindi installer ang ida-download.
Script file siya.
Doon na ako nagtaka.
Kung audio issue lang, bakit kailangan magpatakbo ng script?
Sa isip ko, baka kailangan ko na lang i-download para makapasok agad sa meeting. Pero buti na lang nanaig ang common sense.
Pinasuri ko sa ChatGPT yung command na gusto niyang ipa-download.
Ayun, nakita agad na may mga intrusive commands na puwedeng mag-compromise ng device.
Auto pass.
Lesson learned: Hindi na puro fake links ang modus ngayon. Gumagawa na sila ng realistic na scenario, gumagamit ng trusted contacts, at minamadali ka para hindi ka na makapag-isip.
Always pause before you click.
Always verify before you download.
At huwag basta-basta mag-run ng kahit anong script.
Ingat tayo. Tumatalino na talaga mga scammers.
This is what aI told me on the script.
i called my friends through whatsapp
she disnt know her telegram got hacked
ingat lagi kamiranda
rifht now the hacker deleted the entire convo prior hacking and during hacking chats
#CyberSecurity #ScamAlert #Telegram #OnlineSafety #CryptoCommunity #StaySafe #DigitalSecurity