‘HINDI AKO NAKIKIPAG-AWAY SA CHINA’
Iginiit ni Sen. JV Ejercito na hindi siya nakikipag-away sa China, kundi tinututulan lamang ang umano’y hindi diplomatikong pakikitungo ni Chinese Ambassador Jing Quan sa Pilipinas.
BALIK-TRABAHO NA SI TORRE
Nakabalik na sa trabaho si Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III matapos ang kaniyang month-long leave, ayon kay MMDA Chairman Don Artes ngayong Miyerkules, Oct. 21.
Ayon kay Artes, opisyal na nakabalik si Torre noong Biyernes, Oct. 16.
Nag-voluntary leave si Torre noong Setyembre matapos mahuling dumaan sa EDSA Busway ang kaniyang sasakyan. | via Andrew Ronquillo/Philippine Star
BANNED FOR CIVIL SERVANTS OVER ISRAEL LINKS
Malaysia has banned civil servants from using Alphabet's navigation app Waze after Prime Minister Anwar Ibrahim said its origins in Israel raised security concerns. | via Reuters
https://t.co/CV2wBHNWQm
BARRETTO VS. FERMIN, CHIKA
Nagtungo ang aktres na si Claudine Barretto sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Miyerkules, Oct. 21 para maghain ng reklamong cyber libel laban sa showbiz host at columnist na si Cristy Fermin at co-host niyang si Romel Chika.
Kaugnay ito ng umano’y sunod-sunod na patutsada ng dalawang host tungkol sa aktres sa kanilang YouTube channel.
“Last straw na ito… hindi niya talaga ako tinatantanan. Hindi na talaga siya tumitigil,” ayon sa aktres.
“Happy Halloween,” maikli namang mensahe ni Barretto kay Fermin.
LAOS DRUG SHIPMENT PROBE
Ipina-subpoena ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mahigit 40 indibidwal kaugnay ng imbestigasyon sa nasabat na 521-kg na ilegal na droga sa Laos na patungo sana sa Pilipinas.
Patuloy namang pinaghahanap ang pitong persons of interest, kabilang ang hinihinalang financier ng shipment na si Edrieza Hadji Nasser Rimbang.
Target ng ahensya na isumite ang kabuuang resulta ng imbestigasyon kay PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa Biyernes, Oct. 23. | via #MOJO Jazz Paredes
‘KUNG MAY ISSUE KA SA TAO, KAUSAPIN MO NANG PERSONAL’
Ito ang payo ni Sen. Robin Padilla matapos kuwestiyunin ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea RAdm. Jay Tarriela ang pagtawag ng senador na “edukado” si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
Ipinanawagan ng ilang opisyal ang pagdeklara kay Jing bilang persona non grata kasunod ng binitawan nitong "use of force" remark.
“’Yun ang pinagkakaiba kapag nagkakausap kayo nang personal. Hindi ‘yung nag-uusap tayo na puro pasakalye, puro komento. Walang madadale doon,” sabi ni Padilla.
'WE BOTH CAN BE CORRECT'
Hindi kinontra ni Interior Sec. Jonvic Remulla ang pahayag ni Justice Sec. Fredderick Vida na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang puganteng si Atong Ang.
Ayon sa Interior secretary, posible ang sinabi ni Vida dahil hindi rin nakita sa kanilang records na lumabas si Ang sa entry at exit ports ng bansa.
"Our intelligence analysis points that he exited through the back door of the Philippines. In the end, we both can be correct," saad niya. | via #MOJO Jazz Paredes
'AKO'Y LUBHANG NATAWA'
Sumagot si Palace Press Officer Usec. Castro kaugnay sa panawagan ni Vice Pres. Sara Duterte sa gobyerno na magtrabaho at itigil ang umano'y pamumulitika.
Sa isang pahayag, inakusahan ni VP Sara ang gobyerno tungkol sa pagtatangka umanong idiin siya sa mga usaping may kaugnayan sa national security.
"Ang Pangulo at ang administrasyon na ito, simula pa lang nang siya'y maupo ay patuloy sa pagtatrabaho hindi lamang para iangat ang ekonomiya kundi pati ang buhay ng mga Pilipino," giit ni Usec. Castro.
SEATED FOR GEHLEE'S NEW SINGLE 😍
Inaunsyo ng Filipina K-pop idol at dating UNIS member na si Gehlee Dangca ang kaniyang new single na "Closer."
Nakatakda itong i-release sa Biyernes, Oct. 23.
‘[ATONG ANG] IS STILL IN THE COUNTRY’
Hindi pa makumpirma ng Department of Justice (DOJ) kung nakalabas na ng bansa ang puganteng si Atong Ang, ayon kay Justice Sec. Fredderick Vida.
Wala pa umanong record ang Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng Pilipinas si Ang.
Kasunod ito ng pahayag ni Interior Sec. Jonvic Remulla na maaari umanong gumamit si Ang ng “backdoor exit” para makaalis ng bansa.
Nahaharap si Ang sa mga kasong may kinalaman sa mga nawawalang sabungero.
‘[ATONG ANG] IS STILL IN THE COUNTRY’
Hindi makumpirma ng Department of Justice (DOJ) kung nakalabas na ng bansa ang puganteng si Atong Ang, ayon kay Justice Sec. Fredderick Vida.
Aniya, walang record ang Bureau of Immigration (BI) na umalis ng bansa si Ang.
Tiniyak naman ni Vida na magpapatuloy ang prosekusyon laban kay Ang sa kabila ng hindi na pagpaparamdam ng ilang testigo.
‘TAMANG-TAMA BAKA MAYROON KAYONG PAGKAKATAON NA MAG-IPON NG TUBIG’
Hinimok ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang publiko na samantalahin ang pag-ulan upang makapag-ipon ng tubig bilang paghahanda sa Super El Niño.
Ito ang paalala ni Castro nang tanungin tungkol sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng Super Typhoon #RosalPH.
'MERON KAYONG PAGAKATAON NA MAG-IPON NG TUBIG'
Nagpaalala si Palace Press Officer USec. Claire Castro kaugnay sa pag-iipon ng tubig bilang paghahanda sa Super El Niño.
Ito ay matapos siyang tanungin kaugnay sa direktiba ni Pres. Bongbong Marcos sa kaugnay ng Super Typhoon #RosalPH.
"Ipagdasal natin na huwag sanang ganoon kalakas, tamang lakas lang, para maibsan ang epekto ng El Niño," saad ni Usec. Castro.
Sinabi rin ng kalihim na handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang concerned agencies upang tumugon.
‘KAYSA ‘YUNG PURO DADA, PUNTAHAN NINYO’
Hinimok ni Sen. Robin Padilla ang mga opisyal na may isyu kay Chinese Ambassador Jing Quan na personal itong kausapin sa halip na puro komento lamang.
Ibinahagi ni Padilla na personal niyang nakausap ang ambassador, na inilarawan niyang edukado, gentleman, at diretsong kausap.
‘MAGALANG NATING HINIHILING SA KORTE SUPREMA NA MULING SURIIN ANG KANILANG DESISYON’
Iaapela ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang dagdag-pondo sa unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 General Appropriations Act o national budget.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, magalang na hindi sumasang-ayon ang Palasyo sa ilang bahagi ng ruling ng Korte.
“Alam ng administrasyon na wala namang nilalabag na batas, walang nilalabag na probisyon sa Konstitusyon. Ang administrasyon na ito ay tumutupad lamang sa mga naging proseso na isinasaad din naman sa batas,” pananaw ng Palasyo.
Inatasan na ang Office of the Solicitor General na maghain ng motion for reconsideration. | via Maricel Halili