BUS PARA SA SCHOOL OF FISH 🐠🚌
Isang lumang bus ang inilagay ng Lapu-Lapu City Environment and Natural Resources Office - Coastal Management Resource Office sa ilalim ng dagat malapit sa Brgy. Baring sa Olango Island.
Layon ng inisyatibang ito na i-transform ang naturang bus bilang isang artificial reef na magsisilbing potential habitat o tirahan para sa marine wildlife at ibang aquatic organisms.
📸: BFP R7 Lapu-Lapu City Fire District
CHINA WATCHES US WARSHIP OFF SABINA SHOAL
China's military said it had sent forces to watch a US warship that "illegally" entered waters around a disputed shoal in the South China Sea. | via Reuters
https://t.co/lTVwQ5GjTF
#FrontlinePilipinas | Muntik na raw hindi tanggapin ni Marvin Agustin ang kaniyang papel sa "Mommy Guard."
Pero umangat na agad sa top 6 ang serye sa Netflix. | via MJ Marfori
#News5Exclusive | Pumalag ang nanay ng nasawing basketbolistang si Rene Baterbonia sa mga pumupuna sa kanyang branded na mga damit.
Appreciation lang daw ito sa mga nagbibigay sa kanya. | via Mon Gualvez
#FrontlinePilipinas | Binuweltahan ni dating national security adviser Clarita Carlos ang mga nananawagan ng boycott sa Chinese products.
Baka raw kasi naka-underwear na made in China ang mga kritiko.
#FrontlinePilipinas | Pinag-iingat ng health experts ang publiko sa posibleng sakit na makuha kapag iniwan ang pagkain sa lamesa lalo na kapag mainit ang panahon dahil mabilis itong mapanis. | via #MOJO Dani Dayao
#FrontlinePilipinas | Binabatikos ngayon si Miss Earth Philippines 2016 Imelda Schweighart.
Bukod sa pagtawag na “entitled,” binansagan din niyang “parody ng mga babae” ang Filipino gay community.
#FrontlinePilipinas | Panibagong resolusyon ang inihain sa Senado bilang pagkondena kay Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
Hinimok dito si Pres. Bongbong Marcos na palayasin na sa bansa ang ambassador. | via Ian Suyu
#FrontlinePilipinas | Lusot na sa komite ng Senado ang panukalang P785.2-milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.
Pero sa unang pagkakataon, absent sa budget hearing si Vice Pres. Sara Duterte. | via Maeanne Los Baños-Oroceo
UNCONSTITUTIONAL
The Supreme Court has declared the 2024 and 2025 General Appropriations Act unconstitutional, the high tribunal said.
https://t.co/nnSPRXNS91
BAWAL IBENTA
Plano ng Philippine Sports Commission (PSC) na patawan ng parusa ang sinumang nagbebenta ng mga damit at iba pang gamit na ibinigay para sa mga atletang Pinoy sa 2026 Asian Games.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, natuklasan ang ilang apparel na ibinebenta online matapos ang Asiad.
“Nakakalungkot lang po. Dapat nga i-treausre natin ito, itago natin… Ang sarap ng pakiramdam, nakaka-proud po na suot-suot mo itong mga [damit],” ayon kay committee chairperson Sen. Bong Go.
“Ipagbabawal po namin ‘yan. Penalties will be given. Hindi po talaga puwede ‘yan,” pagtitiyak ni PSC chairperson Pato Gregorio.
‘LET THE PRESIDENT HANDLE THIS SITUATION’
Naniniwala si 2nd District Caloocan City Rep. Egay Erice na dapat ipaubaya kay Pres. Bongbong Marcos ang personal na pangangasiwa sa diplomatic tensions sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sinabi ito ng kongresista kasunod ng "use of force" remark ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan at mga reaksyon ng ilang mambabatas at public officials kaugnay nito.
Pagbibigay-diin ni Erice, mayroong access ang Pangulo sa diplomatic, intelligence, military at economic assessments na mahalaga upang makagawa ng informed decisions.
Hinimok din niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bumuo ng malinaw na long-term China policy sa ilalim ng direksyon ni Pres. Marcos, Jr.
“We should be friendly to all, but subservient to none. Defending our rights in the West Philippine Sea does not require hostility toward the Chinese people or the destruction of our economic relationship with China.”
‘TAUHAN KA NG CHINA’
Kinondena ni House Prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon ang mga indibidwal na nagpapakalat ng mga pahayag na nagdudulot ng takot kaugnay ng West Philippine Sea at bilateral relations ng Pilipinas at China.
Giit ng kongresista, pinagsisilbihan ng ganitong mga pahayag ang interes ng China. | via Marianne Enriquez
NBI PROBE ON ‘MACHONG CHISMISAN’ PODCAST
Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na posibleng managot ang mga host ng “Machong Chismisan” podcast sa Republic Act No. 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.
Kaugnay ito ng pangungutya ng podcast hosts laban sa anak ni Kris Aquino na si Josh.
“Bawat isa sa atin ay may responsibilidad sa ilalim ng batas. Kapag ito ay nilabag, may kaukulan itong pananagutan, at hahabulin po kayo ng National Bureau of Investigation,” ani Matibag.
Ipina-subpoena na ng NBI ang limang hosts ng podcast bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.