Ticketmaster PH reportedly cancelling invalid or policy-violating transactions. Fans urged to check emails.
Ticketmaster Philippines is actively reviewing and cancelling certain ticket transactions for the highly anticipated BTS WORLD TOUR ‘ARIRANG’ shows at the Philippine Sports Stadium in Bulacan in March 2027.
Ticketmaster PH is cancelling orders that violate purchase limits (reportedly 2 tickets per account in some cases).
This includes orders flagged for potential fraud, bot usage, payment issues, or other violations of Ticketmaster’s terms. Cancelled tickets are typically refunded to the original payment method (processing time depends on the bank/card issuer).
EXCLUSIVE: Idinetalye sa ABS-CBN News ng team leader ng rescue team ng MDRRMO Dipaculao na si Angel Librero ang mga pangyayari sa isinagawa nilang pag-rescue sa nasawing Ateneo Blue Eagles basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong June 8. | via @jessiecruzat
PANOORIN: Sa drone footage ng Aurora MDRRMO, makikita ang pag-ahon sa mga katawan nina Rene Baterbonia at Divine Adili, mga manlalaro ng Ateneo Men's Basketball Team na nasawi matapos malunod sa dagat sa Dipaculao, Aurora habang nasa isang “team-building” activity.
Makikita rin sa footage na walang anumang pabigat o “weights” na nakakabit sa mga nasawing manlalaro, taliwas sa mga kumakalat na ulat. Nauna nang pinabulaanan ng Aurora Provincial Police Office ang naturang impormasyon batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga rumespondeng MDRRMO personnel at mga lifeguard ng resort.
Ayon sa pulisya, wala silang nakitang indikasyon ng foul play sa insidente. Wala rin anilang nakitang mga pasa sa katawan ng mga biktima nang maiahon sila mula sa dagat.
Gayunman, sinabi ng ina ni Baterbonia na nakapansin siya ng mga pasa sa bandang leeg, likod, kamay, at paa ng kaniyang anak nang personal niyang makita ang mga labi nito.
Batay sa certificate of postmortem examination na hawak ng pulisya, “asphyxia by drowning” ang sanhi ng pagkamatay ni Baterbonia, habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga labi ni Adili.
Video courtesy: Aurora MDRRMO via Mariz Umali/GMA News
PANOORIN ANG BUONG ULAT: https://t.co/H6JQid2wtK