‘HIKING NOONG UNANG PANAHON’ ANG ATAKE ⛰️
Mukhang naka-relate ang ilang 'trentahin' sa post ni YouScooper Missy Reambonanza kaugnay sa hiking noong taong 2017.
Sa video kasi, makikita ang ilan sa mga larawan nilang magkakaibigan noong taong 2017 nang umakyat sa isang bundok sa Nueva Ecija.
Kumpara sa mga nauusong naka-hiking outfit at gears, ang tropahan nila, tamang tsinelas, shorts, tshirt at bimpo lang daw ang OOTD.
"Nagkayayaan lang kami noon sa bahay ng ate ng kaklase ko sa Siclong, Nueva Ecija. Tumakas lang din ako dahil hindi nga ako pinapalabas ng kuya ko. Sabi niya, tanghaling-tapat mag-hiking kami, pero tumakas ako para makabonding sa mga kaibigan ko. Pagkatapos noon, pumunta na kami sa bundok para mag-hiking, kahit naka-tsinelas lang at may bimpo pa sa likod, para lang sa memories namin," kuwento ni YouScooper Missy.
Ang tanong, mauulit pa kaya nila Missy ang kanilang hiking ngayong 2026?
May hiking photos o memories din ba kayo, mga Kapuso? Ibahagi na iyan sa #YouScoop!
Courtesy: YouScooper Ms. Missy Reambonanza