๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฆ๐
Sa kasalukuyang krisis na hinaharap ng lipunan, tulad ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, ang walang habas na pagwasak sa lupang ninuno ng mga dambuhalang korporasyon, (1/2)
Nakikiisa ang UPB Obra sa pagdiriwang ngayong Pride Month, hindi lamang upang magdiwang, kundi upang igiit ang karapatan ng LGBTQIA+ community, wasakin ang anumang anyo ng diskriminasyon, at ipanawagan ang pagtataguyod ng karapatang pantao.
Sa ika-40 anibersaryo ng rebolusyong EDSA, inaalala natin ang lakas ng nagkakaisang taumbayan na tumindig para sa katotohanan, katarungan, at demokrasya. Ito ay naging patunay na ang kapangyarihan ay nasa mamamayan, hindi sa iilang naghahari.
#EDSA40#LenteNgMasa
Hanggaโt patuloy ang pagbaluktot ng nakaraan, may pananagutan tayong ipagtanggol at ipanawagan ang katotohanan. Ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng nagkakaisang masa, at mananatili itong buhay hanggaโt umaalab ang diwa ng kolektibong pagkilos at paglaban.
Labing-isang taon na ang lumipas nang walang awang paslangin si Jennifer Laude oย โGandaโ, isang Pilipinang trans woman, ng Amerikanong sundalo na si Joseph Pemberton noong gabi ng Oktubre 11, 2014 sa isang motel sa Olangapo City.
Ang alaala ni Jennifer ay hindi kailanman maglalaho sapagkat ito ay patuloy na magiging apoy ng paglaban ng mga kababaihan, LGBTQIA+, at kabataan laban sa mapang-abusong sistemang nagpapalaganap ng karahasan, pang-aabuso, at pang-aapi.