Nananawagan ang UP Diliman Sigma Alpha Sorority, kasama ang UP Diliman University Student Council, sa agarang pagpapalaya sa limang paralegal na iligal na inaresto.
Sa kasalukuyan, kumakalap na ng pambail para sa ating kasama na si Kenneth Castor. Para sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring mag-scan ng QR Code sa ibaba upang makapagpaabot ng pinansyal na suporta.
Anumang halaga ay malaking tulong sa ating mga kasama.
Sa araw na ito, kinikilala natin na ang laban ng mga bayani noon ay nagpapatuloy sa laban ng mamamayan ngayon. Ang tunay na pagpupugay sa kagitingan ay hindi lamang pag-alala kundi pakikiisa at pakikibaka para sa isang makatarungan, at maka-mamamayang lipunan.