Sa nalalapit na botohan, lalong pinatitingkad ang espasyo ng tunggalian ng mga pamilyang ayaw maalis sa panunungkulan. Tila ginawang laro ng mga tatakbong lider ang electoral system at pinatingkad ang malawakang pagkakalat ng fake news at trolling.
Sa kabila ng ibaβt ibang hamon, nagSIKAP kayo upang sumibol ang mirasol para sa inyo. π»
Pinagpupugayan ng UP Sandigan para sa Ikauunlad ng Kamalayang maka-Araling Pilipino (UP SIKAP) ang mga kasaping nagsipagtapos ngayong taon!
#Sablay2023#UPSIKAP20#20TaongNagsiSIKAP
Pagpupugay sa inyo, Sharry Getigan at Nephi Tangalin! NagSIKAP kayo upang sumibol ang mirasol para sa iyo. π»
Padayon, mga SIKAPamilya! Paglingkuran ang sambayanan!
#Sablay2023#UPSIKAP20#20TaongNagsiSIKAP
Pinagpupugayan ng UP SIKAP si Marielle Tuazon (@mariellefatima) sa pagkamit ng 1st Prize sa UP KRC Korea Essay Contest sa kaniyang book review sa "Almond" ni Sohn Won Pyung.
Tunay ngang mahusay ang mga kasapi ng UP SIKAP! Ipagpatuloy ang pagsisikap sa paglikha at pagsulat!
Ipagpatuloy ang pagsiSIKAP upang tanganan ang malikhaing aspekto ng araling Pilipino.
Padayon, SIKAPamilya! Paglingkuran ang sambayanan!
#UPSIKAP20#20TaongNagsiSIKAP
Sa pagtatapos ng Life UPdates ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing, kasama sa mga nagwagi ang ilan sa mga kasapi ng UP SIKAP, kung kaya't pinagpupugayan sila sa kanilang husay sa pagsulat at pagpapahayag sa malikhaing paraan.
#UPSIKAP20#20TaongNagsiSIKAP
At higit sa lahat, itinanghal na Grand Champion sa Sanaysay si Gabriel Joseph Barroso (@GabrieIJosephB) para sa "Nang Matuto akong Pumadyak". Ito rin ang naging kampeon para sa Sanaysay noong August round ng patimpalak.
#UPSIKAP20#20TaongNagsiSIKAP
Sa inyong pagpapahayag ng inyong danas sa pamamagitan ng malikhang pagsulat, ipagpatuloy din ninyo ang paglikha upang pukawin ang sambayanan hinggil sa iba't ibang mga usapin.
Dalawang dekadang pag-iral upang itampok ang Araling Pilipino sa sambayanan.
Dalawang dekadang pagsusulong ng mga pananaliksik sa pag-unlad ng ibaβt ibang larangan.
Dalawang dekadang pagtindig at pagsulong sa kabila ng mga hamon.
Kasabay ng ika-119 kaarawan ni Ka Amado Hernandez, ipagpapatuloy ng UP Sandigan para sa Ikauunlad ng Kamalayang maka-Araling Pilipino ang pagsisikap tungo sa kritikal, mapanlikha, at makabayang Araling Pilipino.
Sulong, UP SIKAP! Paglingkuran ang sambayanan!
Pinagpupugayan ng UP SIKAP si Jillian Siervo (@jillianniee_s) ng Batch 21A sa pagiging susunod na Punong Patnugot ng KALasag para sa ika-40 taon ng pahayagan!
Sa iyong pagtangan ng pamumuno sa publikasyon, lagi't laging bitbitin ang maalab na diwa ng pagsusulat upang patampukin ang panawagan ng masa, at ilapat ang mga aral ng Araling Pilipino sa militanteng larang ng pamamahayag.