Bago pumasok sa BAHAY NI KUYA, may iniwang mensahe ang mga housemates to their future selves! 👀🏠
Ano kaya ang mabubunyag sa pagbubukas ng #PBBCollab3 Evictee Time Capsules? 🔓
Abangan sa ABS-CBN Entertainment social pages this November 14!
Feeling ko ang tagal na nating gustong makakita ng PBB housemate na makakarelate ka at masasabi mong, “Uy, parang ako lang ‘to.” Sa mga nakaraang batch, nakakaumay din na parang calculated halos ang mga galaw. Kaya ang refreshing panoorin si Bela this season.
Kay Bela, nakikita ko ‘yung marami sa ating ordinaryong mamamayan na kapag tinanong ka kung anong pangarap mo, ang masasagot mo lang, “‘Di ko pa sure, pero gusto kong yumaman. Gusto ko ng pera.”
May mga moments din na parang nanliliit siya sa tabi ng mga kasama niyang influencers at celebrities. Ang familiar nung pakiramdam na parang lahat ng nasa paligid mo sanay na sa spotlight at success, tapos ikaw, napapaisip pa kung belong ka rin ba roon. Isa rin ’yon sa mga dahilan kung bakit ang dali kong makarelate sa kanya.
At sa gitna ng magulong mundo, andiyan si Bela na ang dali pa ring matawa. May mga task na halatang nahihirapan na siya, pero todo effort pa rin para sa task. Kitang-kita mong handa siyang lumaban para sa sarili niya, tapos maya-maya, makikita mo na naman siyang nakangiti. Ang gaan niya lang panoorin.
Rooting for you, Bela. Ilalaban ka namin sa labas habang lumalaban ka sa loob para sa sarili mo at sa pangarap mo(ng pera).
#BelaArcal