MnB - Pisara (Official Lyric Video)
“Sa sarili kong galaw lamang nagtiwala, aral na nakuha'y 'di nagmula sa pisara.” 📝🎧
Full Video:
https://t.co/sf4WVFGoAq
#Pisara#MnB#VillyJ#Keenon
Anuman ang desisyon ay naiipon ng bakas,
may aral at leksyon sa mga sitwasyong danas;
iba't ibang misyon sa pagpili ng landas,
kanya-kanyang direksyon sa sariling palabas.
Sa tuwing lagay ay alanganin, ang dalangin sa Ama
katatagan para tanggapin ang mga bagay na di na maiiba pa
at katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
at karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa.
@Loonieversal
Pag tapos tanghalan mga imbitasyon sakin
na may kwartong mahangin at magagarbong pagkain
pagbalik ko rin samin tsaka ko mas nasasabing
iba pa rin yung salu salo dun sa dahon ng
saging. ❤️🔥❤️🔥❤️🔥
@MHOTivated