Si Sen. Sonny Angara ang may akda at sponsor ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Law (RA 10699), na layuning matumbasan ng cash incentives ang mga pagsisikap, sakripisyo, at tagumpay ng mga atletang Pinoy sa mga international competition, gaya ng ginagawa ngayong 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.
Layunin ni Senator Sonny na amyendahan pa ang nasabing batas niya at dagdagan pa ang allowances at incentives ng mga atleta at kanilang coaches, sa bisa ng kanyang Senate Bill 1225.
Sa panukalang ito ni Senator Sonny, ang kasalukuyang P300,000 cash incentive na natatanggap ng mga gold medalists ay itataas sa P400,000; ang silver medalists na tumatanggap ngayon ng P150,000 ay tatanggap na ng P250,000; habang ang P60,000 sa bronze medalists ay gagawing P100,000.
#PilipinasToday
#SonnyAngara