Tingin ko aabutin ako ng 11pm sa gym dahil papunta pa lang ako ngayon hehehe. 7pm na rin kasi ako nakauwi
Pagdating ko sa bahay nagluluto pa lang si mudra kaya nag pares na muna ako bago pumunta ng gym hahahaha
At di na ko nahihilo kaya tingin ko pwde na kong magbuhat ulit
Sige ang pilit nila sakin na tumaya ng jueteng. Ang sagot ko naman ay ang dami ko na ngang kasalanan magdadagdag pa ko
Nagtaka sila na di naman daw kasalanan yun, sagot ko sugal kaya yun. Di na ko nakipag debate at kung para sakin lang naman yun, isa sa natutunan ko sa church
Okayy oras na para umidlip. Nakapaglinis at laba na ko
Pinapakiramdam ko pa yung katawan ko kung pwede na ba akong mag workout at baka mahilo na naman ako eh
Kapag pinilit mo na pumunta sa workplace ko para bumisita at makipagkwentuhan, ihanda mo na rin yung sarili mo na matsismis na gf ko hahahaha. Kaya nga ayoko rin mag papunta dahil sa mga tsismosa kong mga katabing pwesto
Nakapili na ko ng hairstyle na ipapagaya. Need ko na lang bitbitin yung sarili ko sa salon sa susunod na day off ko hahahaha
Ito na yata pinakamaiksing gupit na ipapagawa ko kung sakali hehehe
Gusto kong mag gym mamaya pero ang baba lagi ng bp ko lately. 3 days nang magkakasunod na araw nang sumasakit ulo ko. Dapat nga nagpapa check up na ko eh pero heto ako dinadaan lang sa pahinga
Dami kong isipin lately, may mga dapat isolve na isipin
Beshy di ko mapigilan na di umiyak dito sa tiangge hahahahaysss
Marami akong isipin lately tapos nakausap ko si tita ngayon. Base sa sinasabi ni tita malapit nang mamatay si grandma. Hindi na raw kasi sya madalas kumain at nakahiga na lang kung paliguan
Matagal na yung 1 year
Miss ko na mag gym kaya lang kasi stressed pa ko sa ibang bagay kaya pinaka reward ko na muna sa sarili ko na magpahinga na agad pagkauwi galing trabaho
Kahit nakakapagod magtinda ng straight 1 month na walang day off at halos 6am to 11pm ako sa tiangge. Worth it pa rin kaya excited na kong mag December oyyyy
Ang sakit sa ulo magsulat at mag compute ng mga bayarin, ang hirap mag negosyo 😵💫
Lumaki nga kita ko, lumaki rin mga gastusin ko. Nag aadjust pa rin kasi ako hanggang ngayon, nagbabayad pa sa lahat ng ginastos ko nitong matutumal na months after ng December
Paano nagagawa ng ibang tao na wala pang 1 year may bago na sila -- ano bang mindset ang meron sila. Napaisip tuloy ako kung ano bang tumatakbo sa isip ko na aabutin na ng 5yrs na single ako
Bakit kasi ang tagal ko maka move on
Like ang tagal din bago ako may bagong magustuhan
At dahil holiday nga pala ngayon sarado ang gym, pwede lang sya sa mga may tap card kaya solo na naman ako dito
Change outfit na then start na agad mag workout nang makauwi agad
Pero sana may magpunta ngayon para nman may kasama ako dito
Mukhang bago makarating ng gym pagod na ko ah. Una makikipagkita sa kaibigan ko tapos maglilibot sa bayan para mag canvass ng makina after nun dun pa lng ako makakapunta ng gym
Aguy wag na magreklamo at least may naiba sa routine ko ngayon
Kalaban ko lng talaga yung init ngayon
Di talaga kami magkasundo ng kaibigan ko. Ngayon kasi kami magkikita dahil di natuloy nung nakaraan. Ang gusto nya sana na magkape kami, ako naman di ko feel na magkape ngayon
Ang sabi ko na lang na kung pwede dun kami magpunta sa kung saan may iba akong maoorder bukod sa kape
Aga ko natapos maglaba ngayon ah. Papalipas lang ako ng init saka ako pupunta ng gym o uunahin ko munang gawin yung isa ko pang lakad ngayon araw bago dumiretso sa gym