REST IN POWER, TATAY ELMER ✊
Pumanaw na si Tatay Elmer Cordero, kilalang transport leader at miyembro ng PISTON, ngayong araw, Oktubre 7.
Inatake sa puso si Tatay Elmer noong Setyembre 29 habang lumalahok sa welga ng mga drayber at komyuter laban sa oil price hike.
Nakilala si Tatay Elmer noong pandemya nang arestuhin sila ng mga pulis habang nasa protesta. Humihiling sila noon ng sapat na suporta para sa jeepney drivers at operators sa panahon ng lockdown.
Kahit maysakit, tuluy-tuloy na lumahok si Tatay Elmer sa mga welga at protesta ng mga drayber at iba't ibang sektor.
(Larawan ni Mark Cayetano/Altermidya)