WTS SELLING RARE ITEM
BTS V TAEHYUNG
Historical jersey banner worn by Taehyung in the Idol Star Athletics Championships 2016 wrestling tournament
Open to worldwide shipping
Taking best offer, starts at $0
Please DM me if interested or if any questions, thank you!
for bts not to submit one of their biggest albums to the grammys this year is huge and i respect them for that. so much was poured into arirang and its message and i feel like it wouldn’t sit right with bts at all especially with the new category the grammys put out
let's not put our PERSONAL INTERESTS first when planning a FAN PROJECT.
hindi lang kayo yung fan. if you really wanted that song for day 1 then you should've added it sa poll para hindi umasa yung mga bumoto for D2 & D3.
hindi dahil tutol tayo sa isang proyekto, ibig sabihin ay tutol na tayo sa progreso. ang tunay na progreso ay yaong nag-iiwan ng mas ligtas na kinabukasan para sa tao at mas buhay na kalikasan para sa susunod na henerasyon.
#NoToPaxSilica
IMPORTANT READ: Pax Silica, solusyon tungong industriyalisasyon?
Habang naghihirap ang libo-libong magsasaka dulot ng malawakang pyudalismo sa bansa, plano pang ibigay ng gobyerno ang higit kumulang 4,000 ektarya ng lupain sa Tarlac at mga natural resources upang gamitin ng Imperyalistang US sa pagpapalawig hindi lamang ng base militar nito kundi upang ipangsangkalan tayo sa gera sa pagitan nila at ng China.
Tinatayang bilyong dolyar ang ilalaan ng mga kasaping bansa gaya ng Estados Unidos, Israel, at South Korea upang iproseso ang mga mineral sa Pilipinas para sa seguridad ng global supply chain nila kontra Tsina.
Imbes nang magamit ang produksyon, teknolohiya, at natural na mga kayamanan ng Pilipinas para sa pampublikong kalusugan, edukasyon, at pagsusuri upang mapatibay ang kakayahan nating bumangon sa iba't ibang krisis ng panahon at kalamidad, eksploytasyon, pagkasira ng kalikasan, at lalong pagtaas ng kuryente kasabay ng pagbaba ng supply ng tubig pa ang magiging epekto nito.
Walang magandang dulot ang Pax Silica sa mga ordinaryong pilipino lalo na sa mga babaeng pesante na bukod sa mawawalan na naman ng lupang tatamnan, maaagawan pa ng badyet na maaaring gamitin upang i-modernisa ang kagamitan sa pagsasaka at suportahan ang lokal na produksyon. Hindi matutugnan ang mga panlipunang pangangailangan tulad ng healthcare, edukasyon, transportasyon, mababang sahod, matataas na bilihin, at krisis sa langis. Wala ring magandang dulot ito sa kabuhayan ng masang anakpawis dahil lalo lamang masisira ang kalikasan na siyang magpapahina lalo ng ating sistemang paggawa at pang-agrikultura.
Kung totoong layunin ng gobyerno ang industriyalisasyon, bakit hindi na lang nila direktang suportahan at pondohan ang mga research ng lokal na siyentista at agrikulturista ng bansa? Bakit hindi na lang nila bigyan ng sapat na badyet ang mga manggagawa at magsasaka imbes nang umasa na naman sa dayuhan para sa sarili nating produksyon at kabuhayan?
Nananawagan kami sa kapwa namin kabataan at sa mga siyentista ng bayan na tutulan ang makabagong panghihimasok ng US sa produksyon, ekonomiya, at industriyalisasyon ng Pilipinas.
US TROOPS OUT NOW!
ISULONG ANG MAKABAYAN AT SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK NG MGA PILIPINO, PARA SA PILIPINO!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!
#NoToPaxSilica
#RejectUSWarMachine
#IPBKIbagsak