Patawang hindi nakakatawa!
Ganiyan tinawag ng Autism Society of the Philippines, ang isang podcast na ginawang katatawanan ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh na nasa Autism Spectrum.
Ang komento nilang “walang kuwenta” at “nakatunganga lang”, pinalagan ng marami.
Isa na riyan ang National Bureau of Investigation na pinaiimbestigahan ang mga host ng podcast para sa karampatang kaso. #24Oras