You know what, gets ko naman yung “pera nila yan” at “pumila rin naman sila”. Totoo naman. Kung naka-secure ka ng Day 1 at Day 2 tapos gusto mo pa mag-Day 3, wala namang bawal. Walang mali.
Pero hindi rin natin pwedeng i-ignore na maliit lang yung stadium at limitado lang yung slots. Kada additional ticket na nakukuha ninyong may 2days ticket na, may isa ring ARMY na nawawalan ng chance makapasok kahit isang araw lang.
Nakakatawa pa yung “Day 4, Day 5, o Day 10 pa yan basta may pera”, wala raw mali. At some point, hindi na yan about being a fan anteh. Greedy ka na lang talaga. Kaya mo pala yan why not go to other countries mas malaki stadiums nila.
Tapos yung linyang “minsan lang sila dito kaya susulitin ko.”
Eh yun nga yung point Anteh. Minsan lang sila dito. Hindi niyo pa mabigyan ng chance yung ibang ARMY na makita sila kahit isang beses.
“Sa organizer kayo magalit bakit kapwa ninyo inaaway ninyo”
Galit din po kami sa organizers, sa system, sa scalpers, sa clout chasers, sa casual listeners, sa multis at sa kung anu-anong problema ng ticketing na yan. But reality kasi, maliit yung venue. Limited yung capacity. Sa dami ng ARMY dito, konti lang talaga ang makakapasok. Imagine. Kaagaw mo na scalpers, resellers, multis, at kung sino-sino pa. Tapos sasama ka pa kahit naka-secure ka na ng dalawang araw.
At the end of the day, pera mo nga yan. Gawin mo kung ano gusto mo. Pero huwag ka rin mag-expect na lahat mage-gets ka. Kasi sa paningin ng maraming tao, isa ka lang greedy na tao.
Sa totoo lang Anteh baka chineer pa kita kung malaki lang stadium dito. Kaso hindi naman. 🙂
Day 1 army mem presale: failed
Day 2 lnph presale: failed
Day 3 gensale: failed
Day 4 army mem presale: failed
Day 5 gen sale: failed
Hahah ganto ba ibibigay niyo saming lumaban ng patas pero wala paring na secure? ☹️
#BTS_WORLDTOUR_ARIRANG_BULACAN
Four ticket sellings. Four heartbreaks. Sobrang sakit na, but I'm still here, holding on to the tiniest bit of hope. Today, I'm choosing to stay positive kahit walang kasiguraduhan.
Tomorrow is my last chance. Maybe I'm scared to hope again, but I'm not ready to give up just yet.
nung presale di naka secure, nung lnph presale hindi rin tapos gen sale sa ticketmaster, and then ngayon pre sale ulit wala hindi naka secure idk if bukas makaka secure pa'ko since for sure madaming pipila bukas nawawalan na'ko pagasa yaw q nah :(
#BTS_WORLDTOUR_ARIRANG_BULACAN
sabi dinami dami kong ticketing na pinagdaanan, ticketmaster lang talaga nakapagpahumble sakin 😃 imagine 4 days pumila pero kahit isa don wala man lang pumasok for payment?! POTAENANG SIT TIGHT YAN TALAGA
Guys especially sa mga nakasecure na ng Day 1 and Day 2. Alam kong can afford ninyo magsecure ulit for Day 3, pero please have compassion enough to give this chance na sa mga hindi pa nakasecure ng kahit isang ticket. Deserve din nilang makita ang BTS so please give way na.
Filo armys, if its not too much, kung sakali mang magkaroon 3rd day, baka pwde ipaubaya na natin yung tickets sa mga hindi pa nakakasecure for Bulacan juseyo 🥺🙏🏻