a canvas of nature, beyond all compare. each feature a blossom, uniquely designed, a masterpiece crafted, one of a kind. a bouquet of beauty, a vision so rare, beyond all compare.
ㅤ⠀
ㅤ⠀
JUST IN: Apat na Residente, nasangkot sa gulong naganap sa Waling-Waling Office.
Ngayong gabi, araw ng Linggo, ay sumailalim ang Waling-Waling Office ng Maria Clara Street sa mga nakakabahalang pangyayari.
ㅤ⠀
ㅤ⠀
Walang kabuhay-buhay ang mga mata ni Magayon habang walang awang isinasaksak ang sandata sa binata nang paulit-ulit. Dapat nga ay natatawa pa siya sapagkat ito ang ginusto naman niyang mangyari.
ㅤ⠀
@KALYEMCLARA ㅤ⠀
Naging magulo ang kanyang isipan mula nang nakatikim siya ng turon na may lintik na prutas na ‘yon. Dahil sa katas ng bunga nitong kakaiba– o pamilyar na halaman, bumalik ang mga alaalang hindi dapat niya natatandaan.
ㅤ⠀
ㅤ⠀
Huli na. Huli na ang lahat. Huli na ang lahat bago pa dumating ang lahat, dahil nasusunog na ang opisina. Huli na ang lahat bago pa dumating si Saraiya upang iligtas ang dalawa, dahil mayroon nang nakasaksak na kutsilyo sa dibdib ni Harvey at hindi na makatayo si Manon.
ㅤ⠀