Nananahimik si Anne Curtis, pero binastos nung congressman para depensahan ang bise presidente na nambanta sa buhay ng presidente. Bawat sinabi ng congressman, bastos at nakakadiri. Nakakahiya--lalo na't nambastos sya habang bayad ng taumbayan.
Nagsalita si Anne; hindi lamang para depensahan ang sarili pero para magsalita para sa lahat ng kababaihan. Naging matapang si Anne, pero hindi niya ibinalik yung pambabastos. Nakiusap pa na huwag idamay ang ibang tao, kasama ang pamilya ng nambastos sa kanya.
Maling-mali ang congressman. Nasa tama si Anne.
Walang kinalaman ang sinusuot ng mga kababaihan. Walang kinalaman ang mga pagkakamali ng mga malapit kay Anne. Pero may kinalaman ang pera--pera mula sa kailangan linisin ang pangalan at papunta sa mga nagpabayad para mag-ingay.
Hanggang ingay lang sila. Sana sulit bayad sa kanila. Hindi man sabihin sa kanila, malamang kinakahiya sila ng kanilang mga nanay, lola, tita, kapatid, at kaibigang babae.
Hindi sila tatablan ng post na ito. Pero sa mga kakilala kong nagbabasa nito, sana pareho tayong naniniwala na walang lugar sa Kongreso at sa kahit saanman ang pambabastos ng kahit sino.