Last year, binash ako ng mga supporters ni Sen. Bam at VP Leni nung namention ko sa interview with Christian Esguerra na sinabi nila sakin na kung mananalo si VP Leni as president ay di nya ibibigay si digong sa The Hague. Ngayon, napatunayan na nagsasabi ako ng totoo dahil galing na mismo kay Sen. Bam.
This is personal to us na mga nag-file ng kaso; nag-alaga ng mga testigo; at nangalap ng mga ebidensya para lang makamit ang hustisya na di maibibigay dito sa Pilipinas kahit gaano mo pa paikutin. Siyam na taon ang inantay ng mga pamilya ng mga biktima habang ang mga nagbibida-bida ngayon na may malasakit kuno sa mga biktima ay wala namang ginawa nung kasagsagan ng EJK.
Para maliwanag, Sen. Bam, kung talagang naniniwala kang dapat dito litisin ang mga EJK cases, kinasuhan mo ba sa local courts si digong at iba pang co-perpetrators nung mga panahong iyun?
Sa mga hihirit naman na "ideally" ang sinabi mo, maliwanag dun sa sinabi nyo sakin nung campaign nung 2022 na HINDI NYO IPAPADALA si digong sa The Hague kahit may ICC warrant of arrest. Besides, alam rin naman natin na ang justice system dito ay far from ideal lalo na sa mga makapangyarihan, so para saan pa ang statement mo? Pa-pogi lang sa mga DDS at the expense ng mga nagsakripisyo? That's so insensitive and so unfair.