'TULUNGAN N'YO ASAWA KO'
Nanindigan si "Rodilyn," ang asawa ng inarestong suspek sa putukan sa Senado, na walang ginawang mali ang kaniyang mister.
Naunang nilinaw ni Director Melvin Matibag na "volunteer" at hindi opisyal ng NBI ang naturang suspek. Kasama umano siya ng grupo ng NBI sa Senado bilang driver.
Pinahawak lang din umano sa suspek ang baril pero hindi nakitang ipinutok niya ito. | via Gary de Leon