TANONG: Maaari bang ilagay sa birth certificate na anak ng lolo at lola ang kanilang apo?
May krimen ba silang nagawa?
SAGOT: Hindi maaaring basta ilista ang lolo at lola bilang tunay na mga magulang ng kanilang apo. Kahit sila ang nagpalaki at gumastos para sa bata, kailangang maging tapat ang pagpaparehistro ng kapanganakan. Ang legal na pag-aampon ay may sariling proseso.
Puwedeng magmahal na parang magulang; kailangang tama pa rin ang nakasulat sa dokumento.
TANONG: Kapag ginawa nila iyon, awtomatiko bang may pananagutang kriminal?
SAGOT: Hindi awtomatiko. Sa Somo v. People, G.R. No. 256102, Agosto 26, 2026, na isinulat ni Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Korte Suprema ang lolong si Benito Somo.
Ipinaliwanag ng Hukuman na sa kasong simulation of birth (Art 347 ng RPC), kailangang patunayan ang kriminal na layuning alisin sa bata ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at katayuang sibil. Hindi sapat ang maling birth registration lamang upang mahatulan.
Sa partikular na kasong iyon, nanatili ang orihinal na birth certificate na nakapangalan sa tunay na mga magulang, may nakasulat na pahintulot ang ama, at naghain kalaunan ang lolo ng petisyon para sa adoption at pagwawasto ng rekord. Hindi napatunayan ang kinakailangang criminal intent.
TANONG: Ibig bang sabihin, puwede na itong gawin basta mabuti ang intensiyon?
SAGOT: Hindi. Ang pagpapawalang-sala kay Somo ay nakabatay sa ebidensiya at kalagayan ng kanyang kaso. Hindi ito pangkalahatang pahintulot na gumawa ng maling birth certificate.
Ang pahintulot ng tunay na magulang ay hindi rin kapalit ng legal na adoption. At ang acquittal ay hindi awtomatikong nagpapatama sa maling rekord.
TANONG: Ano ang dapat gawin ng lolo at lolang nagpapalaki sa apo?
SAGOT: Panatilihin ang tamang birth record. Kung nais nilang legal na ampunin ang bata, lumapit sa National Authority for Child Care o Regional Alternative Child Care Office upang masuri ang kanilang sitwasyon at mga kinakailangan.
Kung may mali o simulated birth record na, humingi ng tulong para sa wastong pagwawasto. May remedyo sa ilalim ng RA 11222, ngunit may mga kondisyon at takdang panahong dapat sundin; hindi lahat ng kaso ay awtomatikong sakop.
Ang pagmamahal sa apo ay mahalaga. Mas mapoprotektahan natin siya kung ang pag-aaruga ay sasabayan ng tamang legal na proseso.
Batayan: Somo at ang paliwanag ng SC PIO; RA 11642 at mga tuntunin ng NACC; at RA 11222 hinggil sa conditional rectification ng simulated birth records.
MULA FFW HANGGANG SERBISYO PUBLIKO
MULING NAGTAGPO SA SLSU!
Magkasama sina Atty. Sonny Matula, Prof. Sarah Lising, at Atty. Sunshine Abcede sa pagtitipon ng Public Administration League of Students sa Southern Luzon State University, Lucban, Quezon, noong Nobyembre 11, 2026.
Bago pumasok sa UP College of Law, nagtrabaho muna sa Federation of Free Workers si Atty. Sunshine matapos magtapos ng Economics sa UP. Ngayon, isa na siyang konsehal ng Lungsod ng Lucena!
Kapwa nagbahagi sina Atty. Matula at Konsehal Abcede ng kanilang karanasan sa harap ng kapulungan ng mga estudyante.
Nagbago man ang opisina, tuloy ang paglilingkod—at sa reunion na ito, may kasama pang aral para sa susunod na henerasyon ng mga lingkod-bayan!
Kasama ang mga estudyante ng Public Administration ng Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon, tinalakay natin ang mabuting pamamahala: People, Planet, at Productivity—taong pinakikinggan, kalikasang inaalagaan, at pag-unlad na pinakikinabangan.
Sa serbisyo publiko, dapat mabilis ang aksiyon—hindi lang ang pagpalit ng profile picture kapag may bagong posisyon!
Huge crowds greet Pope Leo XIV as he rides through Buenos Aires in the popemobile before celebrating Holy Mass near the Monumento de los Españoles during his Apostolic Journey to Argentina.
Follow Pope Leo's trip to South America at https://t.co/Y3UE0Ustw8
TANONG: Hi, Atty.! May lupa pong sinabi ng may-ari na ipamamana sa akin dahil ako ang nag-alaga sa kanya noong bedridden siya. Pasalita lamang po iyon. Patay na rin ang kanyang mga magulang at nag-iisang anak, at sa pagkakaalam ko ay wala nang ibang pamilya o maghahabol. Mahihirapan po ba akong ibenta ang lupa?
SAGOT: Magandang araw! Kung pasalitang pangako lamang ang batayan mo, hindi pa sapat iyon upang masabing ikaw ang may-ari at maaari mo nang ibenta ang lupa.
Q: May bisa ba ang pasalitang pamana?
A: Sa ilalim ng Civil Code, kailangang nakasulat ang isang testamento at nasusunod ang mga pormalidad ng batas. Kung ang ibig naman ng may-ari ay ibigay ang lupa habang buhay pa siya, karaniwang kailangan ang wastong public document ng donation at pagtanggap dito habang buhay pa ang donor. Hindi sapat ang simpleng pagsasabing “sa iyo na ang lupa.” (Articles 749 at 804, Civil Code.)
Q: Kahit ako ang nag-alaga at wala namang maghahabol?
A: Hindi awtomatikong nagiging tagapagmana ang isang tao dahil siya ang nag-alaga. Hindi rin nangangahulugang wala nang legal na tagapagmana dahil patay na ang mga magulang at anak. Maaaring may asawa, apo, kapatid, pamangkin o iba pang kamag-anak na may karapatang magmana. Kung talagang walang sinumang legal na tagapagmana, maaaring ang Estado ang magmana sa pamamagitan ng kaukulang proseso. (Article 1011, Civil Code.)
Q: Ano ang dapat kong gawin bago magbenta?
A: Ipasuri muna sa abogado ang titulo, anumang kasulatan, death certificates, at mga dokumentong magpapakita ng relasyon ng mga posibleng tagapagmana. Mahalaga ring malaman kung sino ang naunang namatay dahil maaaring may karapatang naipasa sa magkakasunod na estate.
Kailangang malinaw muna ang legal mong karapatan at maayos ang estate at mga dokumento ng paglilipat bago mo ibenta ang lupa bilang sarili mong pag-aari. Dalhin mo ang mga papeles upang matukoy ang tamang hakbang.
Workers who wait years for court decisions on unpaid wages, benefits or reinstatement may lose the chance to recover what their families need, the Federation of Free Workers (FFW) said as it urged newly appointed Chief Justice Rodil V. Zalameda to prioritize faster labor justice.
https://t.co/ImAO25hyt7
Pope Leo XIV has arrived in Montevideo! For the first time in 38 years, a pope has set foot in Uruguay.
This was the moving moment the Pope arrived at the first stop on his South American journey.
Just a few weeks ago, we were all praying for his health. This trip is the fruit of those prayers.
And we must keep praying for him: 12 days, 3 countries, and thousands of kilometers—a very demanding journey.
Welcome to South America, Pope Leo!
Protect workers in the exercise of their right to organize
“Hindi sapat ang pagkakasunod na ito upang patunayang magkaugnay ang dalawang pangyayari, ngunit seryoso itong dahilan upang magtanong at mag-imbestiga. Hindi krimen ang pagiging unyonista,” said NAGKAISA chairperson and Federation of Free Workers (FFW) national president Atty. Sonny Matula.
https://t.co/vwqeJ4dB0a
“Ang manggagawa, arawan ang sahod; sana ang hustisya, hindi dekada ang hintayan (Workers earn their pay everyday; hopefully, justice doesn’t need decades to reach),” Federation of Free Workers (FFW) president Jose Sonny Matula stated on Friday, 6 November.
https://t.co/AvOHFgEFBL
In Ascent Skills Human Resources Services v. Alma Tacda Manuel, G.R. No. 249843, October 6, 2021, was penned by Justice Rodil Zalameda.
Manuel was hired as a domestic worker in Saudi Arabia for two years at 400 US dollars monthly. She suffered sexual harassment, was deployed to a different city than her contract stated, and lived in accommodation with insufficient food and water.
She signed a waiver before repatriation.
The Supreme Court found constructive dismissal: the conditions forced her to leave, and the waiver alone didn’t prove voluntary resignation. She received 31,455 Saudi riyals for the unexpired contract, 100,000 pesos each in moral and exemplary damages, attorney’s fees, plus 6 percent annual interest from finality.