AN OPEN LETTER TO PBB COLLAB 3.0 MANAGEMENT
Dear PBB Management, Ate B @iamsuperbianca, Kuya Robi @robertmarion, Momshue Melai, Ate Gabbi @gabbi
Honestly, nakakadismaya lang.
When you opened auditions for Pinoy Big Brother: Collab 3.0, maraming umasa. And I think it’s because PBB has always represented something bigger than just a reality show. Para sa maraming Pilipino, isa itong pagkakataon na baka sakaling mabago ang buhay mo, kahit wala ka pang pangalan, connections, o malaking following.
We’ve seen what PBB can do for ordinary people.
Look at Melai Cantiveros. Bago siya naging household name, isa siyang ordinaryong babae mula General Santos City na nakilala ng buong Pilipinas dahil sa natural niyang humor, pagiging totoo, at personalidad na hindi kailangang pilitin. She went on to become the Big Winner of PBB Double Up in 2009. Hanggang ngayon, mahal pa rin siya ng mga tao. Hindi dahil sikat na siya bago pumasok sa bahay, kundi dahil doon natin siya unang nakilala.
Then there’s Maymay Entrata. She auditioned for PBB more than once and experienced rejection before finally becoming part of Lucky Season 7. Eventually, she became its Big Winner in 2017. Imagine kung sumuko na lang siya after those failed auditions. We might never have gotten to know the Maymay that so many Filipinos came to love.
And let’s not forget Kim Chiu, who won PBB Teen Edition in 2006 and went on to build a lasting career in entertainment.
Iba ang dating ng mga ganitong kuwento. They remind us that sometimes, the people who become the most memorable housemates are the ones we knew nothing about before they entered Kuya’s house.
Hindi sila kailangang ipakilala dahil sikat na sila. We get to know them as the show unfolds. Nakikita natin ang totoong ugali nila, ang mga kahinaan nila, ang mga pinagdadaanan nila, at kung paano nila hinaharap ang mga pagsubok. We laugh with them, cry with them, and eventually become invested in their stories.
That’s the magic of PBB. The discovery. The relatability. The chance for an ordinary Filipino to become somebody the whole country roots for.
Kaya noong nakita ng marami ang housemate reveal ng Collab 3.0, understandable kung bakit may mga nadismaya at nagtaka.
Walang problema sa celebrities, influencers, or content creators joining the show. Deserving din naman silang magkaroon ng pagkakataon. But the question is, kung ordinaryong Pilipino rin ang gusto ninyong bigyan ng platform, bakit parang kailangang itanong pa ng viewers kung nasaan ang espasyo para sa kanila?
Maraming nag-audition. Maraming nag-effort. Maraming nagpakilala at naglakas-loob mangarap na baka sila na ang susunod na makikilala ng buong Pilipinas.
Of course, hindi lahat makakapasok. That’s how casting works. But there’s a difference between knowing that not everyone will be selected and feeling that the opportunity being promoted may not have matched what the audience expected.
Kung ang format ay talagang kombinasyon ng celebrities, influencers, at ordinaryong housemates, sana naging malinaw iyon sa simula pa lang. Walang masama sa ganoong concept. Ang hinihiling lang naman ng viewers ay transparency at isang casting direction na hindi nakakalimot sa ordinaryong Pilipinong matagal nang nangangarap makapasok sa bahay ni Kuya.
Kasi let’s be real. Hindi lahat ng may interesting na kuwento ay mayaman. Hindi lahat ng may magandang personality ay may followers. At hindi lahat ng deserving mapanood ng publiko ay may pangalan na sa industriya.
May mga taong nasa probinsya na may kuwentong kayang makarelate ang buong bansa. May mga estudyanteng nangangarap makatulong sa pamilya nila. May mga manggagawang may sense of humor na kayang magpasaya ng buong bahay. May mga taong hindi man sanay sa camera, pero may sincerity at personality na hindi mo basta-basta makikita sa iba.
Sila rin ang dapat mabigyan ng pagkaka—
@mongramosjr DDS ang mga totoong adik. naisahan lang kayo ni Marcos kasi antatanga nyo tapos pinapasa nyo sa Pink kabobohan nyo kasi hindi kayo mananalo kay Leni noon kung 3-way battle kaya nagsanib pwersa ang unithieves. UNITEAM PA MORE!
Dalawang Supreme Court Justices, removed from office because of impropriety in the filing (or not) of their SALN! It’s about time an arrogant, incompetent and corrupt vice president is convicted in the impeachment court! WE FILIPINOS DESERVE BETTER!
AWAY NG DUTERTE SUPPORTERS
Watch: Mga Duterte supporter, pinagbuntunan ng galit ang ilang miyembro ng media matapos ang pag-aaway ng ilan nilang kasamahan sa Las Piñas RTC ngayong Sabado, August 8. @News5PH