Pitong taon nang problema ng mga hog raiasers ang African Swine Fever (ASF). Ngayon, may good news na.
Panoorin ang video para sa kumpletong detalye, at i-share sa kakilala mong hog raisers!
Bakit hindi pa rin mawala-wala ang bullying sa paaralan?
Panoorin kung paano makakatulong ang Expanded Anti-Bullying Act (HB 10038) para mas maprotektahan ang mga estudyante.
Share this video with your friends.
Ngayong World Suicide Prevention Day, paalala sa lahat: hindi kahinaan ang humingi ng tulong.
Sa ilalim ng isinusulong nating Expanded Anti-Bullying Act (HB 10038), palalakasin ang suporta sa mga estudyanteng nakararanas ng emotional distress at social isolation, kasama ang mas maagang pagtukoy sa mga nangangailangan ng tulong, referral sa mental health professionals, at Student Support Teams na kinabibilangan ng guidance counselors.
Ang mental health ay dapat tugunan bago pa maging huli ang lahat.
Kumustahin natin ang isaβt isa. Minsan, ang pakikinig ang unang hakbang sa pagligtas ng buhay.
#WorldSuicidePreventionDay #MentalHealth
Panahon na para harapin ni former Speaker Martin Romualdez ang mga alegasyon tungkol sa anomalya sa flood control.
Habang ang taumbayan ay lubog sa baha, hindi puwedeng malunod din ang pananagutan.
Mas malaking tulong para makapag-aral at magtapos! π
Ngayong araw, pinirmahan ng Pangulo ang pag-amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) Act.
Anong dagdag benepisyo ang maaasahan dito? Panoorin ang video para sa buong detalye at i-share sa mga kakilala mong estudyante at magulang!
Ngayong araw, pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 12325 o ang pag-amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA). Isa tayo sa principal authors nito.
Sa ilalim ng batas:
β Mas pinalawak ang Tertiary Education Subsidy (TES) para makatulong sa pagkain, pamasahe, dorm, at iba pang school expenses.
β Priority sa TES ang qualified 4Ps students, PWDs, indigenous peoples, solo-parent households, at mga pamilyang wala pang college graduate.
β Ire-review ang TES kada tatlong taon para makasabay sa pagtaas ng gastusin.
β May Private Education Assistance para sa qualified disadvantaged students sa priority programs.
Mas malaking tulong ito para hindi lang makapasok sa kolehiyo ang mas maraming estudyante, kundi makatapos.
β PINALAWAK NA STUDENT ALLOWANCE, BATAS NA!
Mas maraming estudyante ang makakakuha ng Tertiary Education Subsidy (TES) para sa pagkain, pamasahe, dorm, at school needs hanggang makatapos.
Magba-Bar ka this year? Heto ang ilang tips ko para sayo:
β Basahin nang mabuti ang tanong, at ulit-ulitin kung kailangan bago sumagot.
β Kung masasagot ng yes o no, ibigay muna ang diretso mong sagot bago ang paliwanag.
β I-budget ang oras ayon sa puntos ng bawat tanong. Huwag ma-stuck sa isang item na mababa ang puntos.
β At pinakaimportante, siguraduhing walang tanong na maiiwang blangko.
Sa mga kapwa kong lawyers, ano ang Bar Exam tip na sana may nagsabi rin sa inyo noon? I-comment sa baba para makatulong sa iba.
I-tag niyo rin ang kakilala ninyong magba-Bar!
β±24 Billion, sino dapat ang mananagot?
Sa pagbusisi natin sa Department of Energy (DOE) kahapon, lumutang ang malaking tanong: Paano babawiin ang bilyon-bilyong proyektong hindi na-deliver ng Solar Philippines?
Panoorin ang sagot ni DOE Sec. Sharon Garin.
Ano sa tingin ninyo, dapat bang habulin ito hanggang huling piso?
Kailan bababa ang singil sa kuryente?
Ito ang direktang tinanong natin sa ginanap na budget hearing ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) kahapon.
Pangako sa atin ng ERC: Nakikipag-coordinate na sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para tanggalin ang 12% Value Added Tax (VAT) na pinapataw sa System Loss Charge. Sa Oktubre o Nobyembre inaasahang mararamdaman ito sa bill ng mga consumer.
Para naman sa pag-alis ng mismong System Loss Charge, humingi si DOE Sec. Sharon Garin ng anim na buwan para bumuo ng plano kasama ang mga electric cooperatives. Unti-unti daw nila tatanggalin ang singil sa non-technical system loss (tulad ng nakaw na kuryente o pilferage).
Babantayan natin ito. Dahil ang bawat bawas sa singil sa kuryente ay ginhawa sa bawat pamilyang Pilipino.
Ikaw, magkano ang average electric bill mo kada buwan?
Bababa na ba ang electric bill natin?
Sa budget hearing ngayong araw ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), tinutukan natin ang pagtanggal sa System Loss Charge at sa buwis na pinapataw dito.
May mga kongkretong pangako sa atin ang mga ahensya. Panoorin ito.
Ano pang singil sa electric bill ang gusto mong maimbestigahan o maalis? Comment below, i-share ito, at sabay nating labanan ang bill shock!
Sa budget hearing ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ngayong araw, direkta nating itinanong kung kailan maaalis ang mabigat na pasanin sa mga bill sa kuryente.
Ayon sa ERC, nakikipag-coordinate sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kinakailangang Revenue Memorandum Circular (RMC) para tanggalin ang 12% Value Added Tax (VAT) na pinapataw sa System Loss Charge. Sinabi ng ERC na sa Oktubre o Nobyembre inaasahang matatanggal ito sa bill ng mga consumer.
Tungkol naman sa pagpapatanggal sa mismong System Loss Charge, sinabi ng DOE na kailangan ng humigit-kumulang anim na buwan para bumuo ng plano kasama ang mga electric cooperative upang tuluyang maalis ang mga non-technical system loss (tulad ng nakaw na kuryente o pilferage).
Hindi sapat ang pangako. Nananawagan tayo sa gobyerno na pabilisin pa ang aksyon para agad na mabawasan ang gastusin ng bawat pamilya.
Nakuha natin ang pangako ng ERC: maaasahan ang pagtanggal sa 12% VAT sa system loss ngayong Oktubre o Nobyembre. Hindi ito dapat manatiling pangako lang.
Sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong nakaraang linggo, napag-alaman nating wala pa palang pambansang plano laban sa baha.
Giniit natin: Hindi na sapat ang pirapirasong plano na nagbabago bawat administrasyon. Gaya ng Singapore, Japan, at Netherlands na may flood mitigation masterplan, kailangan din natin ito upang maresolba ang matagal nang problema sa pagbaha at matiyak na hindi masasayang ang pera ng taumbayan.
Bukod dito, hinimok din natin ang DPWH na magpatupad ng lifestyle checks para masiguro ang pananagutan sa pondo ng bayan.
Bilyon-bilyon ang pondo. Pero sulit ba ang serbisyo?
Bukas, haharap sa Kamara ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Anong gusto ninyong itanong sa kanila? I-comment ninyo dito.
Panoorin rin ang buong video para sa report ko tungkol sa mga budget hearings noong nakaraang linggo.
Sa kabila ng pagbabaha sa iba't ibang parte ng Luzon, nakakaalarma ang kalidad ng hangin ngayon sa Metro Manila. Hindi natin dapat balewalain ito.
Hinihikayat natin ang DENR, DOH at mga LGU na magbigay agad ng malinaw at regular na updates kung gaano kalala ang sitwasyon at ano ang dapat gawin ng publiko.
Sa ngayon, bawasan muna ang outdoor activities kung kaya at magsuot ng N95 mask kung kailangang lumabas. Ingat po tayong lahat.
Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, pinararangalan natin ang mga nag-alay ng tapang, talino, at buhay para sa ating kalayaan.
Pero tandaan: may bayani rin sa bawat isa sa atin.
Sa araw-araw na pagsusumikap para sa pamilya. Sa pagtindig para sa sa karapatan at kapakanan ng kapwa. Sa hindi pagsuko sa gitna ng pagsubok.
Hindi kailangang nasa monumento para maging bayani. Minsan, ang kabayanihan ay makikita sa simpleng pagkilos araw-araw.
Maligayang Araw ng mga Bayani! π΅π
Nagsimula lang sa isang post, ngayon suot ko na!
Maraming salamat kay Magge Dela Cruz at sa Modern Ilongga para sa bago kong barong. Ang ganda ng gawa ng ating mga manghahabi mula sa Iloilo at sa aking bayan sa Batangas! Saludo ako sa inyo!
Nung mag-post si Magge, nag-video call agad kami. Panoorin niyo ang kwentuhan namin!
Suportahan at ipagmalaki natin ang gawang Pinoy, hindi lang ngayong Buwan ng Wika, kundi buong taon! π΅π
Sa panahon ng disinformation, matinding ingay sa social media, at mga usaping nangangailangan ng pananagutan, higit na mas mahalaga ang malaya at responsableng pamamahayag
Ngayong National Press Freedom Day, saludo tayo sa mga mamamahayag na patuloy na nagtatanong, nagsisiyasat, at naghahatid ng katotohanan sa publiko.
Kapag malaya ang pamamahayag, mas may kapangyarihan ang mamamayan na malaman ang totoo at maningil ng pananagutan.