The Senate DID NOT lower the threshold. That’s misleading.
It was 2/3 then, and it remains 2/3 now.
What they voted on was how to determine the total number of senators capable of voting, from which the 2/3 threshold is calculated.
No one bent the law. The Constitution was never changed. It was 2/3 then, and it remains 2/3 now.
You keep quoting the Constitution—but you know what the Philippine Constitution never says?
It never says 16 is the magic number.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan, sa dami ng bilyon-bilyong nalimas ni Sara Duterte,
bakit hindi man lang siya makapag-hire ng mga mahuhusay na abogado?
#SenateImpeachmentTrial
Huwag nang sayangin ang oras at lakas sa pagkumbinsi sa mga DDS.
Kung sarado na ang isip, mahirap na itong baguhin.
Mas mabuting ituon natin ang ating panahon sa pag-eduka sa Gen Z at Millennials—sila ang tunay na pag-asa ng bayan. 🇵🇭
A TRIPLE VICTORY FOR THE PHILIPPINES TODAY! 👏🇵🇭
🎾 Alex Eala’s DC run continues after defeating World No. 10 Elina Svitolina of Ukraine in the quarterfinals. She's now semifinals-bound. Good luck, Alex!
👑 Ma. Katrina Llegado wins Miss Supranational 2026, giving the Philippines its second Miss Supranational crown after 13 years.
🥇EJ Obiena won gold at the 1st International Pole Vault Meeting in Cathedral Square, Halberstadt, Germany.
Congratulations sa inyo Alex, Katrina and EJ! Maraming salamat sa karangalang dala ninyo!
📸 ABS-CBN News, News 5, & Inquirer Sports
CEASEFIRE MY FOOT!Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?
KIKO & BAM success in 2025 should be a stark reminder that we can take our future into our own hands! Surveys are only snapshots, and useful guides for strategizing our struggle for a better Philippines ✊🇵🇭🔥🔥🔥
With all due respect to the Senator-Judge at para hindi maligaw ang publiko, ito po ang konteksto at kumpleto na sinabi ko:
“(Ang fishing expedition) ay maaaring sabihin nating nangyari kung only if the party requesting the evidence or documents ay nagbabakasakali lang, baka may makuha tayo dito.”
Linawin ko po: Hindi tayo nagbabakasakali lang. May probable cause o sapat na dahilan na nakita sa mga record ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa bilyun-bilyong dumaan sa accounts ng VP at kanyang asawa.
Hiningi natin ang bank records para makita kung tugma ito sa sinasabi ng AMLC reports. Tandaan: Ang bank records ay maaari lang mailabas kapag may utos o subpoena mula sa korte. Ibig sabihin, kung nabuksan ng Kamara ang mismong bank records bago ang trial, paglabag yan sa karapatan at due process ni VP Sara Duterte.
Ngayong may subpoena na para sa bank records ng Bise Presidente, magagamit ito ng magkabilang panig para patunayan ang kanilang kaso.
Sa ganitong paraan, makakapagpasya ang mga Senator-Judges batay sa kabuuan ng ebidensya.
BREAKING:
“ALAM MO BA na pwedeng magrehistro ang 17 years old?
BASTA 18 years old ka na on or before May 8, 2028.
MARK YOUR CALENDAR!
Comelec eyes Feb. 2027 resumption of voter sign-up for 2028 polls 🇵🇭
Lumabas ang unang Pulse Asia Senate survey para sa 2028.
Heto naman ang Pulse Asia April 20 to 24, 2025 Senate Election Survey.
Dito, wala po tayo sa listahan sa page 1. Nasa page 2 po. Ranking 16 to 18 at 4 percent ang kulang para makapasok sa top 12 habang plus/minus 2 percent nanan ang margin of error. Ika nga, anybody’s ball game at tight fight ang 12 to 18.
Ang mahalaga, hindi tayo bumitiw at nakipagbakbakan mano a mano hanggang sa dulo. Ang resulta? Nag number 2 si Bam at nag number 5 naman tayo. Habang nag number 1 naman ang Akbayan Partylist ni Risa at nanalo rin si Leila sa ML Partylist. Tandaan. Hindi tayo pinabayaan ng taumbayan at tiwala ako na hindi tayo pababayaan ng taumbayan.
Sa Awa ng Dios, kapag taumbayan na ang kumikilos at tumataya ang imposible nagiging posible. Magtiwala.
Malayo pa ang 2028. Walang bibitiw!!
Tuloy lang.🙏🙏❤️❤️🇵🇭🇵🇭
‘SAAN KA NAKAKITA NG JUDGE NA TINO-TROLL ONLINE ANG PROSECUTION’
Akbayan Party-list on Saturday, July 25, criticized Sen. Pia Cayetano over a Facebook video she posted a day earlier featuring House prosecutor Rep. Chel Diokno's exchange with her brother, Sen. Alan Peter Cayetano, during the impeachment trial of Vice President Sara Duterte.
In a statement on X, Akbayan alleged that the clip was a "spliced video" and accused Cayetano of misrepresenting the exchange.
"Ang abogadong may argumentong pilipit, sa spliced video kumakapit. Dahil nasoplak ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang magkapatid na senator-judge, pilit nilang binabaluktot ang kwento. Ang sad, noh? Move on na po. Better luck next time. 'That's just how it is,'" the party said.
Akbayan also questioned Cayetano's conduct as a senator-judge, adding: "Pero ang mas nakakalungkot, ganito ang content ng isang senator-judge. Linyang-linya sa kampo ni Sara.”
ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA.
China is once again twisting the narrative even though it is the one intruding into our territory.
Sinong niloloko nila? Anong gusto nilang mangyari -- magwalang-kibo lang ang ating mga sundalo habang nanghihimasok sila at naglalamyerda sa ating soberanya?
Kahit bali-baligtarin nila ang totoong nangyari, hindi uubra ang palusot nila. Hindi naman ito ang unang beses na gumawa sila ng kabulastugan at karahasan at pagkatapos ay hindi sila aamin.
Yung mga pagbangga sa mga barko at bangka ng Pilipinas tapos palalabasin pa na kasalanan ng mga Pilipino. Yung pambobomba ng tubig sa ating mga barko at mga mangingisda pati na yung panghaharang nila sa ating mga resupply mission, pero kaibigan daw natin sila. Yung 10 years na mula nang nanalo tayo sa kaso sa Permanent Court of Arbitration na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, pero pilit pa rin nilang inaangkin hanggang ngayon gamit ang mga imbentong linya.
Yes, some Philippine officials have chosen to remain silent, turn a blind eye, and even defend China’s hostile acts, lies, and encroachment on our territories, but they cannot deceive the majority of Filipinos who genuinely care and stand up for the Philippines and our countrymen.
Umaasa po tayo sa agarang paggaling ng nasugatan nating mga sundalo sa panibagong karahasang ito ng China. Saludo po kami at taos-pusong nagpapasalamat sa tapang at kahandaan ninyong ipagtanggol ang ating teritoryo.
Paulit-ulit rin ang ating panawagan sa Pangulo at sa kanyang administrasyon: Bukod sa dagdag na kapasidad at kagamitan para sa pagpapatrolya at pagdepensa sa ating mga teritoryo, tumbasan pa natin ng mas matapang na aksyon ang pambubully at pang-aalipusta ng China. Kung walang pakundangan ang China sa panggigipit at panghihimasok nila, hindi na sapat ang mga tugon na para bang tinatantya pa natin ang mararamdaman nila.
Ipagtanggol natin ang Pilipinas. Protektahan natin ang mga Pilipino.