A hex on members of the Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police who would act as armed force of the ICC: May your children and relatives become addicted to shabs.
HAPPY BIRTHDAY, FPRRD 🎉🎂
Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-81 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, isang lider na nagmarka sa kasaysayan bilang kauna-unahang pangulo mula sa Mindanao at kinilalang “strongman” na naglatag ng matinding kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na dr0ga.
Sa kabila ng kasalukuyan niyang sitwasyon sa The Hague, Netherlands, patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta at pagbati mula sa kanyang mga tagasuporta sa iba’t ibang panig ng bansa.
Para sa marami, si FPRRD ay simbolo ng isang lider na may matibay na political will. Sa kanyang panunungkulan mula 2016 hanggang 2022, naging sentro ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa dr0ga at kriminalidad, na aniya’y layong protektahan ang kabataan at kinabukasan ng bansa.
Bukod sa kampanya kontra dr0ga, iniwan din nya ang ilang mahahalagang programa at proyekto. Kabilang dito ang pagpapalawak ng infrastructure sa ilalim ng “Build, Build, Build” program, na nagbigay-daan sa mas mabilis na koneksyon ng mga rehiyon at pag-unlad ng ekonomiya.
Naipasa rin sa kanyang termino ang mga batas tulad ng Universal Health Care Act, na naglalayong magbigay ng mas malawak na serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino, at ang libreng edukasyon sa state universities and colleges, na nagbukas ng oportunidad sa milyun-milyong estudyante.
Sa larangan ng peace and order, iginiit ng kanyang administrasyon na bumaba ang antas ng kriminalidad sa maraming lugar, bagay na naging dahilan kung bakit marami ang nakaramdam ng mas ligtas na komunidad noong kanyang termino.
“If you destroy my country, I will kiIl you.”
(“Kapag sinira ninyo ang aking bansa, papat*yin ko kayo.”)
Bagama’t naging kontrobersyal ang ilan sa kanyang mga pahayag at polisiya, para sa kanyang mga tagasuporta, ito ay patunay lamang ng kanyang pagiging direkta, totoo, at walang kinatatakutan sa pagharap sa problema ng bansa.
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-81 kaarawan, nananatiling buhay ang kanyang impluwensya sa pulitika at sa puso ng kanyang mga tagasuporta—isang lider na para sa kanila ay hindi lamang naging pangulo, kundi naging simbolo ng tapang at malasakit sa bayan.
Maligayang kaarawan, Tatay Digong! 🎉🇵🇭
Salamat sa iyong Malasakit Tapang at Pagmamahal sa Bayan.
Mabuhay ka pa nang Matagal at Masaya! ..Para sa Bayan.
Happy Birthday,Mr. President❤️ 👊👊👊🇵🇭
#Duterte#HappyBirthdayTatayDigong