NAGING LANDMARK PA NGA ANG ‘POSANG MATABA’ 🤣😍🐱
Hindi lugar, hindi tao kundi "posang mataba" ang inilagay na landmark ni YouScooper Loraine Mae Castillo sa delivery instruction ng kaniyang mga parcel, kaya naman mas madaling nakikita ng mga delivery rider ang kanilang bahay.
Kuwento ng Loraine, paborito raw tambayan ni Chantal ang kanilang pinto kaya iyon na lamang ang kaniyang inilagay sa delivery instructions ng kaniyang mga parcel.
Kaya ang tanong ngayon ng mga netizen: “Kapag nasa galaan po ba ang pusa, nagkakamali sa pag-deliver ng mga parcel [ang rider]?"
Ayon naman kay Loraine, hindi raw gumagala nang malayo si Chantal, hanggang sa tapat lamang ito ng kanilang bahay dahil natatakot siya sa malalayong lugar. #YouScoop
COURTESY: YouScooper Loraine Mae Castillo