Nanindigan si ICC Deputy Prosecutor Mandiaye Niang na dapat managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang makamit ang hustisya ng mga biktima ng drug war. #DuterteInICC
Sa halip na tugunan ang mga ugat ng drug addiction, inihayag ni ICC Office of Public Counsel for Victims Principal Counsel Paolina Massidda na itinuring ni Rodrigo Duterte ang isyu bilang usaping kriminal na nauwi aniya sa marahas na kampanya kontra droga ng administrasyon. #DuterteInICC
Sa submission of merits ng prosekusyon, iginiit ng senior trial lawyer na si Julian Nicholls na hindi kailanman nagpakita ng pagsisisi si Rodrigo Duterte sa pagpaslang sa aniya'y libo-libong Pilipino. #DuterteInICC
Inihalintulad ni Atty. Joel Butuyan, abogado ng mga biktima ng drug war, sa isang malalang cancer ang "virus" ng kawalan ng pananagutan na aniya'y ikinalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Pilipinas. #DuterteInICC
TAAS-SAHOD SA MGA GOV’T EMPLOYEES
Ipinatupad na ang ikatlong taas-sahod sa mga government employees simula nitong Huwebes, Jan. 1.
Ayon sa Executive Order 64, makakatanggap ang isang Salary Grade 1 na empleyado ng dagdag na P573 kada buwan, mula P14,061 hanggang P14,634.
Ang ikaapat at huling tranche ay magsisimula sa Jan. 1, 2027.