Tigilan na natin ang pagpapanggap na hindi natin nakikita ang nasa harap natin. Ang tunay na panganib: matututunan ng constitutional tribunal na ligtas lang sila kapag sumusunod sa pangulo. Yan ang katarungang ginagawang takot para kontrolin ang Senado.
Tayo na ang may pinakamataas na presyo ng gasolina sa buong Asya. Tapos may excise tax pa tayong ₱10/liter sa gasolina at ₱6/liter sa diesel, dagdag pa ang 12% VAT. Samantalang ang mga kapitbahay natin sa Asya may subsidy o tax exemption.
“UNFOLLOW NYO MGA TULFO, MGA SALOT ’YAN SA ATING BAYAN”
Ito ang panawagan ni dating COA at Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa publiko, kasunod ng kanyang matitinding puna sa magkapatid na Senators Erwin at Raffy Tulfo kaugnay ng kontrobersiya sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Atty. Guanzon na sadyang mataas ang itinakdang threshold ng Konstitusyon upang hindi madaling mapatalsik ang isang impeachable official.
“Hindi lang problema dahil hindi siya abogado. Ang problema, hindi siya abogado pero nag-i-insist siya, nag-iimbento siya ng logical, na tama ang pag-iisip niya, na eh kung ganyan daw na 16 talaga ang kailangan, eh wala nang maku-convict! Eh bakit, ’yan ba ang intent ng Constitution, na matanggal lahat ng impeachable officers sa mababa lang na number of votes? In fact, nilagay diyan ang two-thirds of all members of the Senate na 24, para hindi madali sa inyo magpatalsik ng impeachable officer o ng Vice President,”
Binatikos din niya ang paraan umano ng pagtalakay sa impeachment:
“Hindi na po ito TV show, na binibend the law mo, binibreak the law mo, na away mag-asawa, na mga kerida, na may mga pambababae, na ikaw ang maghuhusga. Ito ay IMPEACHMENT!”
Partikular ding tinukoy ni Atty. Guanzon si Raffy Tulfo at kinuwestiyon ang umano’y motibo nito.
“Kasi hinalal po ’yan ng tao, ng 32 million. Kaya hindi mo naiintindihan ang intent of the Constitution dahil hindi ka abogado. Hindi lang ’yun, dahil ayaw mo talaga intindihin dahil gusto mo talaga matanggal si VP Sara as a candidate. Bakit Raffy Tulfo, may plano ka bang tumakbong Vice President?”
Wala pang tugon ang magkapatid na Tulfo sa mga pahayag ni Atty. Guanzon.
Samantala, nakatakda sa Setyembre 23 ang oral arguments ng prosecution at defense bago resolbahin ng Senate impeachment court ang usapin sa 16-vote threshold.
“You will lose friends, you will lose lovers, You will lose comfort, but if in losing them, You find yourself, you have gained more than Kings.”
*- Marcus Aurelius