BREAKING NEWS: Umamin si Agap Party-list Rep. Nicanor Briones na siya ang nakuhanan ng litrato habang may tinitingnan sa cellphone sa gitna ng sesyon ng House of Representatives noong Hulyo 28.
Ayon kay Briones, kausap niya noon ang kaniyang pamangkin na nag-imbita sa kaniya na manood ng traditional sabong.
Giit niya, hindi siya marunong gumamit ng online gaming apps o anumang money transfer platform para sumali sa online sugal.
Nanindigan ang kongresista na wala siyang nilabag na batas at hindi siya hihingi ng paumanhin.
📷: PTV
#NET25NewsandInformation #HouseOfRepresentatives #Sabong #NicanorBriones #eSabong