May isang tanong lamang na nananatili sa’kin. Parang isang maluwag na sinulid na hindi ko mapigilang tanggalin at maghuhubad sa’kin.
Mahal mo pa ba ako? Tanong ko.
At sa iyong katahimikan nakita ko ang sagot.
#asymptote
Omicron in the Philippines is like chicken pox. It starts at the chest (NCR) then spreads to the neck , face , abdomen, back and arms - Lesions may be found in all stages of development and healing in affected sites. NCR is slightly improving but has spread to R4A and R3
Kailan mo masasabing naghihintay ka na? Kapag naghihintay ka at nawala na ito sa panahon. At nahihintay ka nang may pananabik sa bukas kahit wala na ito sa oras. Basta naghihintay ka na lamang.
#asymptote
Hindi ko na maisulat-sulat ang mga mundong nawala kahit muli’t muli natatagpuan ko ito. Dahil hindi na ito ang mundo. At ikaw. At ako. Masaya na ako.
#asymptote
Basta na lamang umulan. Pero hindi na lamang ito basta ulan. At hindi na lamang ito basta. Dahil may nagaganap na pangyayari na nagbabago sa atin. Bagaman umulan. Bagaman binabago tayo ng ulan. Bagaman.
Madalas may alaala ako ng ulan na tungkol sa kalungkutan. Ngayon, may alaala na lamang ako ng ulan sa iyo. Iyon na marahil ang pinakapaborito kong alaala ng ulan. Hindi na basta ng ulan kundi ng ngiti mo.
Palagi kong iniisip na mahal kita at sana mahal mo rin ako sa kung paanong minamahal kita. Kahit gusto ko. Pero mas gusto kong isiping mahal kita kahit hindi mo ako mahal sa kung paanong minamahal kita. Basta mahal lang kita.
Hindi ko kailangang sabihing mahal kita para masabing mahal kita. Pero minsan, gusto kong sabihing mahal kita. Dahil madalas, hindi ko nasasabing mahal kita. Kahit mahal kita.