To lighten the mood. Ang awra ni MMD sa NBI haha kala mo runway pa din 😌😎
At hindi sya naka white polo at shades 😂
Miss na kita Misyel sana matapos na ito.
MICHELLE DEE INIREKLAMO SI XIAN GAZA
Personal na inireklamo ng beauty queen na si Michelle Dee ang social media personality na si Xian Gaza sa National Bureau of Investigation.
Kasama ang abogadong si Atty. Maggie Garduque, naghain ng cyber libel si Dee laban kay Gaza at mga nasa likod ng ilang Facebook page na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kaniya.
Idiniin ni Dee na may tiwala siya sa sistema, at umaasang lalabas din ang katotohanan, lalo pa’t totoong buhay na ang apektado.
Bagama’t hindi idinetalye, hindi aniya dapat i-normalize ang mga sinasabi ni Gaza na dapat matutunang irespeto ang mga kababaihan.
Aminado siyang masakit sa kalooban ang tinawag niyang ‘defamation’ na nakaaapekto na sa kaniyang reputasyon. | RH 15 @JecelleRicafort, DZRH News
WATCH: Michelle Dee, with her lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque, filed a cyber libel complaint with the NBI Cybercrime Division against content creator Xian Gaza over for allegedly spreading fake news about the beauty queen. @News5PH