Israeli technology cannot fix Filipino transport issues. Because any and all technology that’s been paid for by the lives of thousands of innocent people remains to serve only one purpose – imperialism.
How can a genocidal regime like Israel and a land-grabbing technocrat like Dizon claim to fix our public transport when they’re stained with the blood and tears of the displaced?
🌱 Israel proposes environmental sustainability in public transportation and infrastructure in the Philippines
How can Israel speak of “sustainability” while it turns entire ecosystems into wastelands?
Kahit dalawang araw na lang ang kampanyahan sa eleksyon, nakapanguna pa rin ang kampanya ng taumbayan.
Sa pangunguna ng Piston: Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide, kasama ng mga tsuper, operator, at komyuter, muli tayong nagprotesta sa harap ng Department of Transportation para tuligsain ang muling pagtutulak ng sapilitang franchise consolidation.
Mismong sa harap ng DOTr, sa harap ng mga tsuper at operator, at sa harap ng media nangako sa atin si Vince Dizon na makakarenew tayo ng ating rehistro at prangkisa. Katulad ng ating unang hinala: tuta pa rin siya ng mga dayuhang interes, katulad ng kaniyang amo na si Marcos Jr.
Mga kapatid sa hanapbuhay, buong lakas nating labanan ang masaker sa public transport at pagmomonopolyo ng mga korporasyon sa ating kabuhayan. Makibaka tayo sa lahat ng larangan!
Ngayong eleksyon, gamitin natin ang ating boto bilang protesta! Zero votes sa mga kawatan at tuta ng dayuhan! Ipanalo ang KOALISYONG MAKABAYAN, mga magtatanggol sa interes ng taumbayan!
Pagkatapos ng eleksyon, pagningasin natin ang protesta sa bawat terminal at pilahan, hanggang mag-alab ang pakikibaka natin sa harap mismo ng Malacañang!
Makibaka para sa limang taong prangkisa!
Makibaka para mabasura ang makadayuhan at negosyong modernisasyon!
Makibaka para sa progresibo, makabayan, at makamasang public transport!
#NoToPUVPhaseout
#26FlorandaSaSenado
#ByahengPagbabago
#TaumbayanSaSenado
❓🤔 KAYA BANG MAKIPAGSABAYAN NG DRAYBER SA SENADO? 🤔❓
Laging tanong sa atin kung paano tayo magiging senador kung hindi naman tayo nakapagtapos ng pag-aaral. Totoo at di natin ikinakahiya: dahil sinalanta ng mga militar ang baryo namin noong Martial Law ni Marcos ay di tayo nakatapos ng pag-aaral.
Pero hindi ibig sabihin na wala tayong pinag-aralan. Dahil kumpara sa iba pang mga nasa senado na sinasabing tapos sila ng abogasya, o mga negosyante, aral na aral tayo sa mga isyu, interes, at kapakanan ng ordinaryong mamamayan.
Ang paggawa natin ng batas ay hindi sa de-aircon na opisina ng Senado mangyayari, kundi sa mga terminal, komunidad, sityo, baryo. Lapat ang mga batas na gagawin natin sa interes ng taumbayan, dahil ang taumbayan ang kasama nating gagawa ng batas.
Kaya bang makipagsabayan ng drayber sa senado? Baka baligtad: ang mga dinastiya't mayayaman, kaya bang makipagsabayan sa mga ordinaryong mamamayan?
#26FlorandaSaSenado
#ByahengPagbabago
#TaumbayanSaSenado
I'm drawing the @Makabayan2025 senatorial candidates as blind box dolls 🥰
First up is @NarsAlynAndamo, nars-lider ng Filipino Nurses United! She advocates for a free, comprehebsive and national health service! 🩺💊
#TaumbayanSaSenado#artph
Isang taon na mula nang walang-awang paslangin ng 4th Infantry Batallion si Jay-El Maligday, isang inosenteng kabataang Mangyan.
Binisita namin ng @Makabayan2025 kasama sina Jerome Adonis at @kadaningramos, at ng @BayanMuna ang burial site ni Jay-El para magbigay ng respeto. Nakiramay rin tayo sa kaniyang pamilya at komunidad.
Panawagan natin ang hustisya para kay Jay-El Maligday, at ang pagpapanagot sa 4th IB at sa rehimeng Marcos Jr.
Palayasin ang lahat ng militar sa mga lupang ninuno, na nagsisilbing bayarang goons ng malalaking mining company at mga landgrabber.
Sama-sama nating ipagtanggol ang Mindoro!
#DefendMindoro
#26FlorandaSaSenado
#ByahengPagbabago
#TaumbayanSaSenado
Like Christ's journey to Calvary, Filipino transport workers trudge a difficult path of uncertainty and hardship. This Holy Week, as Filipino Christians reflect on sacrifice and redemption, we urge the Marcos regime to also reflect on the sacrifices already made by thousands of transport workers struggling to maintain their livelihoods.
KALBARYO SA KALSADA
As the nation prepares to commemorate the passion of Christ this Holy Week, transport group Piston draws attention to the parallel suffering endured by public transport workers who continue to bear their own cross while awaiting the official DOTr order on registration renewal for unconsolidated PUVs.
ILOILO CITY—Led by PISTON-Panay, drivers, operators, and commuters braved the scorching heat today to stage a protest outside the LTFRB Region 6 office.
They demand swift action from DOTr Sec. Vince Dizon on renewing registrations for unconsolidated jeepneys, restoring the five-year validity of franchises, and investigating corrupt cooperatives in the region.
THE FIGHT CONTINUES! ✊
Of the two contradictory aspects, one must be principal and the other secondary. The principal aspect is the one playing the leading role in the contradiction. The nature of a thing is determined mainly by the principal aspect of a contradiction,
Manggagawa at tsuper, laging stick together!
Magkadikit naming ilalaban ni #2 Jerome Adonis at ng @Makabayan2025 ang P1200 national minimum wage at ang progresibong public transport!
Kapag mas mataas ang sahod ng manggagawa, mas malaki ang kita ng tsuper. At kapag may tiyak na kabuhayan ang tsuper, maaliwalas ang byahe ng manggagawa.
Kaya vote straight, Makabayan!
#26FlorandaSaSenado
#AdonisSaSenado
#ByahengPagbabago
#TaumbayanSaSenado
#NoToJeepneyPhaseout
#VoteForLivingWage
Malinaw at kongkreto ang paninindigan ng Makabayan: ang totoong kapangyarihan ay nasa taumbayan, wala sa mga burukrata at malalaking negosyante.
Kapag sinabing "Taumbayan sa Senado," hindi lang ito ang 11 senatoriables. Totoong ang dala sa senado ay ang ordinaryong mamamayan.
Kahapon, nakipagkonsultahan kami sa mga kapatid nating Mangyan Hanunuo sa Bulalacao, Mindoro. Lagi kaming tinatanong: bakit ba kami nangangampanya sa malalayong sityo, hindi naman "vote-rich." Wala ba kaming balak manalo?
Ang kampanya namin sa @Makabayan2025 ay hindi lamang kampanya sa eleksyon, ito ay kampanya ng masa. Hindi sa amin lang nakasalalay ang pagpapanalo sa ating mga adhikain.
Ang pagtatagumpay ng proteksyon sa lupang ninuno, sariling pagpapasiya ng mga katutubo, tunay na reporma sa lupa, ay nakasalalay sa lakas, determinasyon, at pagkakaisa ng taumbayan.
Kuwento sa amin ng mga Mangyan Hanunuo: binabarat sila ng mga trader, P8.00 per kilo lang ang bili sa kanilang sibuyas. Pero pagdating sa merkado, P80.00 na.
Ang sagot namin: kailangan makabuo ng samahan para magkaroon ng lakas para sa negosasyon sa traders, at sama-samang kumilos para ilaban ang subsidyo at suporta ng gobyerno.
Bago kami umalis sa sityong ito, sabi sa amin ng Mangyan Hanunuo, "Bumalik kayo, tulungan ninyo kaming itayo ang samahan."
May panalo na ang taumbayan ng Bulalacao.
#26FlorandaSaSenado
#ByahengPagbabago
#TaumbayanSaSenado
I mean, may malinaw na ideological line ang @Makabayan2025, at iyon ay ang Pambansang Demokrasya. Sa pinakasimple: pambansang soberanya, tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon.
Kaya consistent ang 11 senators at partylists nito sa paninindigan, plataporma.
🚆 ANO NGA BA ANG MAGIGING EPEKTO NG LRT FARE HIKE SA MGA KABATAAN? 🤑💸
📢 PANUORIN ang talumpati ni Kabataan Partylist 1st Nominee and National Spokesperson Renee Co hinggil sa pagtaas ng bayarin sa LRT-1!
Kabataan, tutulan ang pahirap na mga polisiya at isulong ang alternatibong pulitika! Ito ang kinabukasan na ating deserve at makakamit kasama ng #4Kabataan. Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo! 🤝
#LabanKabataan
#YouthVote4KABATAAN
#NoToLRTFareHike
BE A FULL-FLEDGED MEMBER OF KABATAAN PARTYLIST! https://t.co/MPlS9hP4KG
BE A KABATAAN VOLUNTEER FOR THE 2025 ELECTIONS! https://t.co/m0PFPGkvtE
JOIN OUR MESSENGER CHANNEL: https://t.co/gHjfNPtoVC