PLEASE READ AND SHARE THIS POST.
First chemotherapy session yesterday. Nairaos naman and so far wala pa naman mga major side effects pero nanghihina ako parang pagod at gusto ko lang matulog. Nangangati din ng slight throat ko. Babagsak daw talaga immune system kaya iwas daw sa pag labas ng bahay and mag mask. Bawal raw foods and fruits na binabalatan.
Salamat sa konting nag donate nagamit naman sya. Iโm shamelessly asking again for your help. If you can share any amout maiipon din sya. You can use my Gcash QR code or if prefer nyo sa bayanihan ph pwede din since may QR din naman dun although kinakaltasan nila ng 13% yung nireremit nila per donation. Pwede nyo din gawin anonymous para di visible yung details nyo. 5 more cycles to go and endless lab test and checkup. For transparency, eto yung quotation per cycle sa gamot palang yan di pa kasama professional fee. 12k per session naman yun na apply na yung PWD discount. If you are unable to send any help, please share this post nalang for wider reach. Hopefully may mga willing mag campaign for me gaya ng mga fandoms.
Pag ako naging cancer-free lahat kayo na mag hehelp sakin kasama sa journey ko and isa kayo sa reason ng pag galing ko. Thank you from the bottom of my heart.
Bayanihan PH link: https://t.co/TM6ZXEa6Qg
Naiiyak na ko sobrang bigat. Yung maiisip mo nalang na mamamatay ka ng walang gustong tumulong sayo. Wala kong inapakang tao lahat pinakisamahan ko. Mga kaibigan ko dinamayan ko pag kailangan nila ng tulong pero ngayon hindi nila ako matulungan. OO MAY CANCER AKO HINDI AKO NAG DDRAMA O NAG JOJOKE PERO BALEWALA SA KANILA MASKI NGA KAMUSTAHIN AKO WALA.
Ang gusto ko lang naman ay mabuhayโฆ pero ang pinakamahirap na kalaban ngayon ay hindi lang cancer, kundi pera.
Iโm currently fighting an aggressive type of cancer, at nirequire ako ng oncologist ko na matapos ang 6 cycles of chemotherapy. Every cycle matters. Kapag na-delay ang treatment, mas lumiliit ang chance kong makalaban.
Sa ngayon, wala akong trabaho dahil sa sakit ko. Wala na rin akong ibang mapagkukunan ng panggastos para sa chemotherapy.
Marami ang nagsasabi na may libre naman, pero sa sitwasyon ko, sobrang haba ng waiting time at hindi iyon ang schedule na kailangan kong sundin. Kailangan akong mabantayan ng oncologist ko at hindi pwedeng basta ma-delay ang treatment.
Pareho nang senior citizen ang mga magulang ko. Ang maliit na pension ng tatay ko ang bumubuhay sa amin at doon na rin kinukuha ang pambili ng maintenance medicines nilang dalawa. Kahit gustuhin nila akong tulungan, hindi na talaga kaya.
Masakit aminin, pero wala rin akong ibang malapitan. Walang kamag-anak o kaibigan na gustong tumulong dahil hindi nila ako pinapansin kahit simpleng pangangamusta nga walang hindi nila magawa.
Kaya buong puso akong humihingi ng tulong. Kahit maliit na halaga, malaking tulong na iyon para maituloy ko ang chemotherapy ko sa tamang oras.
Kung hindi man kayo makapag-donate, malaking bagay na rin ang pag-share ng post na ito. Baka makarating ito sa taong makakatulong at makapagbibigay sa akin ng pagkakataong ipagpatuloy ang laban ko.
Ayoko pang sumuko. Gusto ko lang mabigyan ng pagkakataong mabuhay.
Maraming salamat sa inyong kabutihan.