This is a perfect example of what the haters don’t get and those who still believe in traditional politicians, aka TRAPOS.
Rodrigo Duterte set up a template for true governance and public service: planning, delegation, and execution. No media frenzy and no Duterte name plastered on every tarpaulin, relief boxes, trucks, etc.
The city government responds even without the leaders’ physical presence.
#DavaoPride
"'YUNG KAGULUHAN SA SENADO AY NAGSASALAMIN NG LEADERSHIP NG ADMINISTRASYON."
Ito ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte nang hingan ng komento ukol sa mga pangyayari sa Senado.
"'Yung kaguluhan at kawalan ng direksyon ng ating bansa ay nagsasalamin kung ano 'yung klase ng leadership mayroon ang nakaupo sa Palasyo at ang ating administrasyon," ani bise presidente.
Dagdag ni Vice President Duterte, dapat umano pag-usapan ng mga senador ang prayoridad ng Senado at kung ano ang kanilang trabaho na naaayon sa Saligang Batas.
PANOORIN ANG KAUGNAY NA ULAT: https://t.co/Y5ysluB8lA
“DAHIL BA SA 18 + 14 + 7 MARINES?”
Nagbigay ng reaksiyon si social media personality at health reform advocate Dr. Richard Mata kaugnay ng pinatinding seguridad sa Senado matapos ang pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa NBI hinggil sa umano’y security threat laban sa institusyon.
Sa isang social media post, pabirong kinuwestiyon ni Mata ang dahilan ng heightened security:
“Bakit may heightened security sa Senado, eh wala naman si Sen. Bato doon? Para ba di makapasok ang 18 + 14 + 7 Marines? Alangan naman ang artwork ng GSIS?”
Ang pahayag ay lumabas habang umiigting ang usapin tungkol sa mga grupo ng dating sundalo at Marines na naglalabas ng mga alegasyon kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects.
Bukod sa Brave 18, nauna nang sinabi nina retired Major General Romeo Poquiz at Atty. Levito Baligod na mayroon ding mga grupong Fearless 14 at Valiant 7 na maaari ring lumantad at magbigay ng testimonya sa mga susunod na pagdinig.
Samantala, nagpatupad si Gatchalian ng work-from-home arrangement para sa mga empleyado ng Senado sa Hunyo 10 at 11 matapos makatanggap ng impormasyon mula kay NBI Director Melvin Matibag tungkol sa umano’y banta sa seguridad.
Sinabi rin ni DILG Secretary Jonvic Remulla na mas hinihigpitan na ang seguridad sa Senado, bagama’t nilinaw ng mga opisyal na ang ilan sa impormasyong natanggap ay nananatiling “raw intelligence” at patuloy pang bina-validate.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye ang NBI hinggil sa eksaktong katangian ng umano’y security threat.
RETIRED GENERAL, DINEPENSAHAN ANG “BRAVE 18” MATAPOS TAWAGING “KARGADOR” NG ISANG SENADOR
Naglabas ng matinding reaksiyon si retired Major General Romeo V. Poquiz matapos tawagin ni Senador Raffy Tulfo na “18 kargador” ang grupong mga dating sundalo na naglantad ng umano’y mga iregularidad sa kontrobersyal na flood control projects.
Sa isinagawang consultative meeting ng kampo nina Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Erwin Tulfo nitong Hunyo 8, tinukoy ni Raffy Tulfo bilang “18 kargador” ang mga dating sundalo na nagsasabing sila umano ang naghatid ng mga maletang naglalaman ng pera para sa ilang personalidad at opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Raffy Tulfo:
“Let me call on them, 18 kargador. Kasi nga po nagkakarga sila ng mga male-maletang pera sabi nga nila. ’Yun nga po ang trabaho nila, magbitbit, magkarga ng maleta.”
Kasunod nito ay nag-post sa social media si retired Major General Poquiz.
Bagamat hindi niya direktang pinangalanan si Sen. Raffy Tulfo o ang grupong Brave 18, tila tumutukoy ang kanyang mensahe sa bansag na “kargador” na ginamit laban sa mga dating sundalo.
Ayon sa kanyang post:
“Malayong mas marangal ang kargador na amoy pawis at punit-punit ang damit kesa naman sa naka Barong na nagpapatawag na Honorable siya pero magnanakaw naman pala.”
Ang pahayag ay lumabas habang umiinit ang palitan ng mga salita sa pagitan ng kampo ng mga testigong tinaguriang “Brave 18” at ng ilang senador na kumukuwestiyon sa kanilang kredibilidad at sa mga alegasyong kanilang inilalahad kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.
Nauna nang kinuwestiyon nina Raffy at Erwin Tulfo ang kredibilidad ng grupo, habang iginiit naman ng kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod na handa silang magharap pa ng karagdagang mga testigo at ebidensiya upang suportahan ang kanilang mga paratang.
Sa kanyang post, walang binanggit na partikular na pangalan si General Poquiz. Gayunman, dahil sa timing at nilalaman ng mensahe, maraming netizens ang nag-ugnay nito sa naging pahayag ni Raffy Tulfo laban sa mga dating sundalo.
Sa ngayon, wala pang tugon ang kampo ni Sen. Raffy Tulfo sa social media post ni retired Major General Poquiz.
Forget all the b/s about Hamas, it was Israeli terrorists who were raping, killing babies and civilians, as their own officials now admit. https://t.co/Juc2cirJFa
‘I’M THE WALKING DEAD’
Senator Alan Cayetano described himself as “walking dead," citing risks of his ouster as Senate president.
“Alan Cayetano is not the issue here; my Senate presidency is not an issue there. I told you from the start, I’m the walking dead. Walking dead as Senate president. Ano ibig sabihin? Anytime, ‘yung hatol na tanggalin sa akin, but ang problema po, ine-escalate nila,” he said.
LIVE: https://t.co/qn5fcgS4Cp
NEWS UPDATE: Isa umanong coup d'état na may pagbabasura sa Konstitusyon ang pagkakaroon ng acting Senate President, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano sa kaniyang Facebook live kanina.
PANOORIN: https://t.co/F5yUcTMdfs
Bisitahin ang https://t.co/bAMF9JO2Xs para sa iba pang updates.
‘I AM STILL THE LEGITIMATE, LEGAL, MORAL SENATE PRESIDENT’
Alan Peter Cayetano maintains that he’s still the “legitimate, legal, moral Senate President” as he holds a Facebook Live on Wednesday, June 3, 2026.
“I am still the legitimate, legal, moral Senate President,” he said.
He also invites supporters to hold a prayer vigil at the Senate tomorrow.
LIVESTREAM: https://t.co/RHJlHKZ3pi
The President said the cases against some senators stemmed from the findings of investigations and are not related to political affiliations. https://t.co/c6In21oQFA | via @onenewsph