Secretary Sonny Angara: Ligtas na paaralan, ligtas na kinabukasan. Patuloy ang pagkilos ng DepEd upang maiwasan ang school violence at maprotektahan ang bawat mag-aaral.
#BagongPilipinas#DepEdPhilippines
Secretary Sonny Angara: Maraming salamat sa Philippine National Police sa kanilang mabilis at maagap na pag-aksyon laban sa mga nasa likod ng mga gawa-gawang banta sa ating mga paaralan. 🤝
Paalala rin sa lahat: may kaakibat na pananagutang legal at administratibo ang pagpapakalat ng bomb joke, fake threats, at iba pang maling impormasyon na naglalagay sa panganib ng ating mga paaralan.
Patuloy tayong magtulungan upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan para sa bawat batang Pilipino. 🇵🇭
#AlagangAngara #BagongPilipinas #DepEdPhilippines
The Schools Division Office (SDO) of Romblon has distributed 3,766 lapel microphones to public school teachers across the province to improve classroom instruction and help create more engaging and effective learning experiences for students. https://t.co/5TXpt7FQRq
Secretary Sonny Angara: Para sa ating mga Senior High learners, patuloy nating pinapalakas ang curriculum at work immersion upang mas handa kayo sa trabaho, kolehiyo, at tunay na mundo. 📚
#AlagangAngara#BagongPilipinas#DepEdPhilippines
Secretary Sonny Angara: Patuloy nating inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan at tulong ng pamahalaan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) sa Valenzuela City. Sama-sama nating palalakasin ang mga programang may malasakit at tunay na makatutulong sa bawat pamilyang Pilipino. 🇵🇭
#BagongPilipinas #DepEdPhilippines
May kabuuang 32,916 na bagong teaching positions ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa darating na School Year 2026–2027, na malugod na tinanggap ni Education Secretary Sonny Angara upang matugunan ang mga pangangailangan sa silid-aralan at mapagaan ang workload ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Basahin: https://t.co/b9IDSyhzhr
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Tuloy tuloy ang Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng subsidiya para sa underprivileged learners sa pribadong sektor sa darating na pasukan, kung saan target ang mahigit 2.4 milyong benepisyaryo sa ilalim ng pinalawak na programang Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE).
Basahin: https://t.co/FeLmgKPxtw
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
SALUDO SA BAWAT MANGGAGAWA 💪🇵🇭
Secretary Sonny Angara: Araw-araw ninyong pinapagalaw ang bansa, at responsibilidad naming siguraduhin na ramdam ninyo ang suporta ng pamahalaan.
Mula po nung tayo'y senador hanggang maging DepEd secretary, patuloy nating itinutulak ang mga benepisyong direktang nakakatulong sa inyo tulad ng mas pinalawak na income tax exemption, pinataas na tax-exempt sa 13th month pay, 105-day Expanded Maternity Leave, libreng dokumento para sa mga first-time jobseekers, at pinahusay na promotion system para sa mga teachers.
1/2
Secretary Sonny Angara: Habang nasa Roxas City para sa DepEd National Festival of Talents 2026, isinagawa rin ang National Management Committee Meeting—isang mahalagang pagtitipon ng mga miyembro ng execom, regional directors, at bureau heads para sa mas pinaigting na koordinasyon at pagpaplano.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagpapabilis ng konstruksyon ng mga silid-aralan, pagpapalawig ng dynamic learning program upang matiyak ang tuloy-tuloy at dekalidad na pagkatuto sa kabila ng mga kalamidad at mga hamon sa face to face classes, at pagpapatupad ng mga reporma para higit pang mapaangat ang sistema ng edukasyon. Ang mga hakbang na ito ay nakaangkla sa mga direktiba at prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos.
#DepEdPhillipines #BagongPilipinas
Education Secretary Sonny Angara on Sunday underscored the need to give equal importance to arts, science, and technology in schools as he opened the 2026 National Festival of Talents (NFOT). | Lisa Apacible
Read more at: https://t.co/C3oQ4DMUEg
#DailyTribune#DepEd
Mula Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026, magbubukas ng pinto ng pagkakataon ang Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral na naiiwan sa aralin sa pamamagitan ng pinalawak na summer remediation programs.
Basahin: https://t.co/4s7Q3Oz9jt
#DepEdPhilippines#BagongPilipinas
Secretary Sonny Angara: Godspeed sa ating mga mag-aaral, guro, coach na participants ng National Festival of Talents (NFOT) 2026 na ating pinasyalan habang nasa Roxas City, Capiz. Maraming salamat Filamer Christian University sa pag-host ng mga kompetisyon.
#NFOT2026 #BagongPilipinas #DepEdPhilippines
Sinimulan na ng Department of Education, sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, ang pamamahagi sa mga paaralan ng tatlong uri ng tables and chairs na may kombinasyong plastic and steel, wood and steel, at engineered bamboo and steel.
Alinsunod sa RA 11394 o Neutral Desk Act, hiwalay ang tables at chairs upang matiyak ang kaginhawahan at patas na paggamit para sa lahat—left-handed man o right-handed.
1/2
Ngayong Huwebes Santo, nawa’y maging inspirasyon sa atin ang wagas na pag-ibig at kabutihan ng Diyos sa pagbabahagi ng malasakit at pag-asa sa kapwa.
Sa banal na paggunita ng araw na ito, hangad natin ang isang mapayapa at makabuluhang pagninilay ngayong Mahal na Araw.
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa tatlong pangunahing pampublikong paaralan sa Metro Manila upang alisin ang matitinding hadlang sa pinansyal at burukrasya na kinakaharap ng mga magtatapos na mag-aaral ng Senior High School (SHS).
Basahin: https://t.co/icky5bOaKu
#DepEdPhilippines #BagongPilipinas
Just in: At Malacañang, Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara and governors from across the country have signed a Memorandum of Agreement to fast-track the construction of resilient and conducive classrooms. The MOA formalizes the partnership and outlines shared responsibilities in funding, construction, and long-term maintenance.
Stay tuned to RTVM at 9:00 AM as this milestone agreement is presented to President Bongbong Marcos, who will deliver the keynote address.
@sonnyangara@bongbongmarcos
#BagongPilipinas #DepEdPhilippines
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. is presented with the newly signed Memorandum of Agreement between Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara and governors nationwide, aimed at fast-tracking the construction of resilient and conducive classrooms. He now delivers the keynote speech.
To accelerate classroom construction, as proposed by DepEd last year, the 2026 National Budget approved by President Marcos authorizes the transfer of DepEd funds to local government units for the building of new classrooms. @sonnyangara@bongbongmarcos
#BagongPilipinas #DepEdPhilippines
https://t.co/P5HSeo0yPJ
PANOORIN: Pormal nang nilagdaan ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, at ng mga gobernador ang Memorandum of Agreement (MOA) na magpapabilis sa konstruksyon ng mga silid-aralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ayusin ang kakulangan sa learning spaces, suportado ng pondong inilaan 2026 National Budget para sa classroom construction. @sonnyangara@bongbongmarcos #BagongPilipinas #DepEdPhilippines