Maraming salamat, Commodore Jay!
Mabuhay ang National Task Force for the West Philippine Sea — NSC, AFP Western Command, at PCG.
My snappy salute din sa inyong serbisyo at tapang para sa bayan. 🫡✊🏼🇵🇭
Walang lusot si Bong Go at malinaw yan at hindi AI yan dahil documented. Why all of sudden Bato and Bong denies their participation in the EJK Killings. Laglagan na ba eto. Wait till you see Royina Garma, Matobato, and Lascanas sa ICC hearing detailing their direct participation.
Ang daldal ni Sen. Bong Go. Nagpa-media pa talaga para i-announce ang reward system.
Ninja cops daw:
Php 2 million kapag “lumaban”
Php 1 million kapag deds
Php 500,000 kapag buhay
Tapos biglang hugas-kamay mode:
“Eh hindi naman ako ang superior ninyo. Alam n’yo namang illegal ang mag-un-alive nang walang due process, bakit n’yo ginawa? Eh di kasalanan n’yo!”
Talaga?
Eh ikaw, anong tawag doon sa pagbabalandra mo sa media ng so-called reward system? Para saan ‘yon? Anong mensahe ang ipinasa mo sa PNP?
Hindi ba pwedeng ginawa na lang ni former PNP Chief Bato Dela Rosa ang directives ng maayos, tahimik, at ayon sa chain of command?
Kung talagang wala kang intensyong mag-udyok, bakit ka nagpa-media?
Kasi kung alam mong illegal, pero naglatag ka ng mga presyo sa media at sa publiko, huwag kag magulat kung ang intindi ng mga pulis ay parte ka ng chain of command!
Kaya dapat clear and not open to interpretation ang language ng leaders natin.
Bawal ang balahura, bawal ang rhetoric pagdating sa "war on drugs", at bawal ang mga ganitong pa-media especially kung makaka-trigger ka ng mga greedy at walang pakialam sa due process na law enforcement officers. (Maybe that was the goal pero mali pa rin.)
Dapat lang talaga na nasama ka sa listahan ng ICC. Doon mo na lang i-explain ang sinabi mo rito.
Thanks for remembering me, Vice Ganda! Dami kong tawa dito. 🤣
Yes! It’s my turn to return and keep serving the Filipino people. Babawi ako sa ipinagkait na halos pitong taon sa aking buhay—ng higit pang paglilingkod sa ating mga kababayan. 💛
𝐍𝐨 𝐦𝐨𝐫𝐞. 𝐍𝐨 𝐦𝐨𝐫𝐞. 𝐍𝐨 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐛𝐞𝐭𝐫𝐚𝐲𝐚𝐥 𝐨𝐟 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐭𝐫𝐮𝐬𝐭!
Our demand is louder than ever, made even more meaningful today on the birth anniversary of Andres Bonifacio and the First Sunday of Advent.
Ikulong lahat ng kurakot! Ibalik ang nakaw na yaman! Wakasan na ang political dynasty!! ✊🏼
Hindi tayo titigil. Hindi tayo uurong. Tuloy ang laban! 🇵🇭
***
Mensahe ni Rep. Leila M. de Lima
House Deputy Minority Leader
Mamamayang Liberal (ML) Partylist
sa Trillion Peso March 2.0: End Corruption. End Political Dynasties.
30 November 2025
Magandang, magandang hapon po sa mga kapwa ko galit sa kurakot at suklam na sa Political Dynasty!
Diretsahan na tayo. May mga nakasuhan na, oo. Pero kulang na kulang pa! Marami pang dapat kasuhan at ikulong, lalo na yung mga mastermind ng korapsyon! Yung mga big fish!
May mga na-freeze nang assets. May mga nagbalik ng nakaw na yaman pero mukhang isa pa lang. Pero tingi-tingi lang. Hindi pwedeng nagnakaw ng bilyon-bilyon, tapos barya lang ang isosoli!
Sinong niloko nyo?!
Maniniwala lang kami kung ibabalik nyo lahat ng ninakaw ninyo!
Marami pang dapat tugisin! Marami pang dapat bawiin! Bilis-bilisan naman ng gobyerno!
Meron ding naglalabas ng mga rebelasyon. Umaasta na hawak ang katotohanan. Pero nagtatago naman sa pananagutan. Hindi umuuwi dito. At worse, ina-abswelto ang sarili. Tapos ine-expect niya, maniniwala tayo sa lahat ng sinasabi niya?
Style-bulok yan. Hindi papasa ang mga satsat na hindi kayang panghawakan. Ang katotohanan, pinaninindigan sa tamang lugar. Hindi pang-content lang! Hindi video-video lang!
Ang gusto ng taumbayan, buong katotohanan!
Sa makakalap na ebidensya, tamaan kung sino ang tatamaan! Walang paghuhugas-kamay! Walang pagtatakpan!
Yes, nakikita naman natin ang pag-usad ng ICI. Pero huwag tayong maglokohan: Kulang ang kapangyarihan nila. Kulang ang pondo nila. Limitado ang sakop nila. Hindi pwedeng sabihin na tunay na independent sila.
Yung batas na magpapalakas sa kanila, ano na? Nasaan na? Huwag ninyong i-dribble ang ICAIC Law! ICAIC. Independent Commission Against Infrastructure Corruption.
Sumigaw po tayo: ICAIC, ngayon na! ICAIC, ngayon na!
Ano bang hinihintay ng Pangulo, bakit ayaw i-certify as urgent? Itutulad nyo ba yan sa Anti-Political Dynasty na inabot ng dekada?
Walang dahilan para patagalin pa ang mga batas na yan, pwera na lang kung kayo mismo ang may ayaw at natatakot na maisabatas ang mga yan!
Malinaw: Hindi lalabas ang buong katotohanan kung patago ang mga galawan, kung tingi-tingi ang diskarte.
ICI, Bicam, mag-livestream na kayo! Bakit hindi pa kayo nag-li-livestream!
Freedom of Information Law, isabatas na rin!
Umiiral pa naman ang demokrasya. Pero sa mga nangyayari ngayon, pupugak-pugak na. Very fragile ang ating demokrasya. Lalo pa itong pinarurupok at pinanghihina ng mga nagtatanim ng duda—ng mga may pansariling agenda para tuluyan itong ibagsak, pangingibabawin ang dahas, at isantabi ang Saligang Batas.
Palakasin natin ang demokrasya. Pasiglahin natin ang ating mga institusyon. Protektahan natin ang taumbayan. Huwag tayong magpadala sa may maiitim na agenda. Huwag tayong malito sa mga nanlilihis at nagpapalabo sa kung ano ang totoo.
Hustisya!!! Managot lahat ng sangkot! Ikulong lahat ng kurakot! Ibalik ang nakaw na yaman!
No more. No more. No more betrayal of public trust!
Palakasin natin ang demokrasya. Pasiglahin natin ang ating mga institusyon. Protektahan natin ang taumbayan.
Huwag tayong malito sa mga nanlilihis at nagpapalabo sa kung ano ang totoo.
Ang dapat manaig: Buong katotohanan, pananagutan at hustisya.
Managot lahat ng sangkot! Ikulong lahat ng kurakot! Ibalik ang nakaw na yaman!
No more. No more. No more betrayal of public trust!
#BASAHIN ang buong pahayag: https://t.co/qktQcn7KKp
Ngayon na natuldukan na yang interim release na yan, sana ay wag nang magpaasa ang leaders ng duterte camp sa mga supporters nila. Di na makakalaya si duterte bilang kabayaran sa libu-libong Pilipinong pinapatay nya.