Late post:
Masyadong naging masalimuot ang mga nakaraang araw kaya kailangang ma-relax kahit pa’no.
Salamat kay Thera Roneth na na-exceed ang expectations ko this time. Magaling na siya dati pero mas ginalingan pa lalo this time. Plus, na-consider na niya ‘yung feedback ko nung huli naming session a few months back. Dagdag pogi points ‘yun!
Bitbit pa rin niya hanggang ngayon ‘yung ilang sequence mula sa dati niyang spa plus hinaluan ng tatak-Nxs na signature. Ito siguro ‘yung mami-miss ko pag ni-launch na ang new and improved version ng Nxs Signature massage.
Babalikan?
Yes naman!
Real talk lang ha.
Kung nagpa-sensual massage ka, ‘wag kang kupal. Hindi porket sensual yung masahe, pwede mo na hawakan ang thera.
Kung "nadadala" ka man, beh, kontrolin mo kamay mo. Hindi ‘yan excuse para maging pasaway ka. Bukod sa nakakabastos sa thera, hindi na rin siya makakapagmasahe nang maayos pag panay ang ilag sa ‘yo.
Tapos ikaw pa ‘tong magrereklamo sa huli? Ano ‘yon? Ikaw na nga ‘tong nambastos, ikaw pa galit?
***
Hindi ko na maalala kung bakit nasa draft ko ‘to. Pero sure akong may nag-rant na thera tungkol sa ganyang client. 🫢
Andaming nangyari at nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi pa napo-process ng utak ko lahat. Andami pang kailangang unahin muna at tapusin. At saka na lang ako iiyak, malulungkot, magluluksa, at magiging mahina pansamantala. For now, magpapanggap munang malakas. 💪