After 3 attempts, nagtagpo rin sa wakas ang schedule namin ni Thera Donn—and I can honestly say, worth the wait talaga.
Siya na ang 9th therapist na na-try ko dito sa Red Phoenix Spa @RedPhoenixSpa, at grabe, sobrang consistent talaga ng quality ng massage nila. Ibang klase ang training ng mga therapists dito.
I can confidently recommend Donn. Sa Draconix session niya, napaka-smooth ng bawat transition at ang ganda ng flow ng sequence. Generous din siya sa mga pakiliti, pero laging classy at professional ang dating. Isa na naman siya sa mga best therapists na na-experience ko pagdating sa overall session.
Cutie Daddy type si Donn. Iba ang appeal niya in person—parang mukhang mananapak, pero sobrang bait at tahimik. Hindi rin nawawala ang pag-check kung okay lang ako throughout the session, which I really appreciated.
Lahat ng body parts ko nadaanan at namasahe nang maayos—from head to foot. Favorite ko yung head massage, stretching, tamang-tama ang pressure, pati yung foot massage at buong leg work. Ang swabe, relaxing, at halatang alam na alam niya ang ginagawa niya.
Perfect ang execution sa bawat galaw. Halatang veteran na si Donn. Sa totoo lang, parang ayoko nang matapos yung massage kasi sulit na sulit ang buong session.
If you're planning to book a therapist, try niyo si Donn. Hindi kayo magsisisi—solid ang massage at talagang sulit ang experience.
Thank you, Donn, and of course, Red Phoenix Spa, for another relaxing Thursday night pampering.
One more therapist to go, at makukumpleto ko na ang lahat ng 10 therapists na gusto kong ma-try.
See you again soon!😊🐦🔥🤿
📸Donn's photo courtesy of Red Phoenix Spa.
#RedPhoenixSpa
Meet our caring and dedicated therapist, ready to help you relax, recharge, and feel your best with soothing hands and a calming touch.
Therapist Art available today
Book your session now and experience the comfort your body deserves. 🐦🔥
Started the week right by treating myself this Monday night at Red Phoenix Spa @RedPhoenixSpa. Thank you as always!❤️
Tonight's thera is MJ! Finally, nasubukan ko rin siya. If ang hanap n'yo ay hard massage pressure, MJ is definitely one of the best. I availed the Draconix, and since combination siya ng therapeutic at sensual massage, halatang mastered na mastered na niya ang flow at sequence.
Ang bigat ng hagod, solid ang stretching, at talagang ramdam mong natatanggal ang lamig at pagod sa katawan.
Pagdating naman sa sensual part, very generous pero classy ang execution. Hindi awkward—very professional, magaling makiramdam, at mahusay din mag-build ng rapport with clients.
No wonder isa si MJ sa mga highly recommended therapists nila. He's already my 8th thera at Red Phoenix Spa, and I can honestly say na consistent talaga sila. Sulit na sulit ang bawat visit at bawat bayad sa massage.
Special mention din sa iced tea nila—ang sarap, and I love the flavor!🥤
Maraming salamat sa very welcoming at accommodating na sina Sir Chris, Ms. Jane, at sa buong staff. Laging top-notch ang customer service.💯
Sharing na rin ang massage services and rates nila for those who are planning to visit. Marami kayong mapagpipilian, pero I can assure you, sulit at solid ang experience. 😊
Photo credit na rin sa RPS para sa picture ni MJ.📸
Thank you again, Red Phoenix Spa! Buti na lang tumigil na ang ulan kaya nakadalaw ulit. See you again soon!😊🐦🔥🤿
Rainy days are the perfect excuse to relax and recharge.
Treat yourself to a soothing escape with Therapist Ian at @RedPhoenixSpa . Let your stress melt away as you enjoy a calming, rejuvenating massage designed to leave you feeling refreshed and renewed.
Thank you so much, Sir @David, for choosing @RedPhoenixSpa for your relaxation and wellness experience. We truly appreciate your visit and hope to see you again soon! 🐦🔥
Reception
Visited RED @goldenphoenix29, and seeing Sir Cris again felt like meeting a long-lost friend. Reception isn't as crowded as I remember, and the whole place feels fresher and cleaner now. Napansin ko lang, updated na rin ang rates compared to 2021.
Thank you, Red Phoenix Spa @goldenphoenix29, for this much-needed early week relaxation. It was truly a pampering Tuesday—lahat ng stress natunaw the moment the session started.
Special thanks to my therapist tonight, Ronel. Photo credit to Red Phoenix Spa for his photo since I wasn't able to take one with him. And just to clarify, mas may glow siya in person! Mas noticeable rin ang fit and well-developed niyang physique—especially his shoulders, biceps, and arms. Halatang nagwo-work out, which definitely adds to his appeal. Plus, cutie talaga in person.
Ronel is now my seventh therapist at Red Phoenix Spa, and I can honestly say the consistency of their service never disappoints. Wala pa ring palya. His therapeutic massage was excellent—from the perfect pressure and bigat ng kamay to the way he worked on my back, arms, legs, soles, head massage, and stretching. Ramdam mo talaga ang experience and technique.💯
The sensual massage was also on another level. It was delightfully ticklish from start to finish, with playful and teasing strokes that kept the experience exciting. Every movement was thoughtfully done to help you fully relax while leaving you wanting to come back for another session soon.😊
Overall, Ronel is highly skilled, professional, kind, and definitely one of the standout therapists I've experienced. Thank you, Ronel, for such a relaxing and memorable session tonight.
Thank you as well to Sir Chris for always being so accommodating and friendly. And of course, thank you, Red Phoenix Spa. Looking forward to seeing you all again very soon!😊🐦🔥🤿
#RedPhoenixSpa
Step into a world of relaxation and self-care this month. Treat yourself to soothing massages, calming therapies, and moments of pure bliss,you deserve it.
Welcome back to Red Phoenix Spa (@goldenphoenix29), Thera Dave! @CalinogJan
As usual, sulit na sulit ang masahe! Check na check ang consistent na pressure, masarap na hagod, at nakaka-relax na stretching.
Kanina ko pa iniisip kung anong nabago. Magaling ka na dati pero parang mas lumabas pa ang galing mo ngayon. Mas na-highlight ngayon sa sequence ang skills at expertise mo.
Also, ang fresh mo ngayon. Mas hiyang ka yata dyan. 🫢
FYi sa mga suki ni Dave: nakabalik na po siya at pwedeng-pwede na ulit i-request. ☺️
Midweek relaxation at Red Phoenix Spa @goldenphoenix29.
Finally had my first spa session for the month of July, and it was such a relaxing way to break the week. Thank you, Red Phoenix Spa, for another wonderful pampering experience.
Special thanks to Yuri, the 6th therapist na natry ko dito, and honestly, wala pa rin akong masabi kundi consistent talaga ang quality ng therapists nila. Hindi kami nakapag-photo together, kaya yung pictures na kasama dito ay from the Red Phoenix X account (credits to them). Pero in person, iba talaga ang dating ni Yuri—matangkad (5'11"), maputi, very warm ang smile, at magaan ang personality. Nakakadagdag sa overall relaxing experience.
The Draconix Massage continues to impress me. Ang unique ng combination ng techniques niya. Hindi siya sobrang intense, pero ang classy ng execution. Yung hagod has this smooth, gentle, almost ticklish flow that's both relaxing and soothing. Hindi overwhelming, pero sapat para ma-relax ang katawan at maalis ang stress. For me, it's perfect for those who prefer a milder, more refined massage while still enjoying the right amount of therapeutic pressure.
Ang nagustuhan ko rin kay Yuri was how professional he was throughout the session. Marunong siyang makipag-usap at the right moments, hindi awkward at hindi rin sobra. Lagi rin niyang chine-check kung okay ba ang pressure, making sure comfortable ako and that the massage was helping loosen my stiff muscles. Small gestures like that really make a difference.
Thank you again, Yuri, and the whole Red Phoenix Spa team, for another memorable experience. Consistent talaga ang service, and that's one of the reasons I keep coming back.😊🐦🔥🤿
We are proud to receive positive feedback from our clients, who value our cozy atmosphere, skilled therapists, and exceptional service. Their satisfaction inspires us to continue providing outstanding wellness experiences.
Thank you so much sir @rmtiorm🐦🔥
Welcome back to Red Phoenix Spa @goldenphoenix29, Dave @CalinogJan!😊 First day mo pa lang, at ang saya ko na nakahabol ako sa isa sa mga Saturday night slots mo.
Based sa experience ko, sobrang galing ng pressure mo. Ang swabe ng bawat diin at hagod sa muscles ko, ramdam mong alam mo talaga ang ginagawa mo. Pinaka-favorite ko yung massage sa legs, binti, at talampakan. Sobrang sarap sa pakiramdam, gumaan at na-relax talaga ang muscles at joints ko. Doon pa lang, sulit na sulit na! Bonus pa yung stretching na ginawa mo, kasi lalo akong naginhawaan after ng session.
Kung gusto n'yo ng therapist na kayang mag-hard pressure, try n'yo si Dave! Kayang-kaya niya. Pero syempre, ako hanggang moderate pressure lang.😄
Isa rin sa gusto ko sa Red Phoenix ay yung ambiance ng room. Napakalinis, ang bango ng unan at towel, at ramdam mo talaga na inaalagaan nila ang comfort at hygiene ng clients. Pagpasok pa lang at pagdapa sa bed, ang fresh na agad ng feeling. Malaking bagay talaga yung malinis at maayos na setup para mas relaxing ang buong experience.
Thank you rin kay Sir Chris na laging sobrang accommodating sa bawat visit ko, at kay Ms. Jane, glad to see you again kanina!🙂
Maraming salamat, Dave! Nandito lang kami para suportahan ka. Thank you ulit, Red Phoenix! Looking forward sa next pampering session. See you again soon!😊🐦🔥🤿
#RedPhoenixSpa
Welcome back sa Red Phoenix Spa, Thera Dave! @CalinogJan
Sa mga naka-miss sa kanya sa @goldenphoenix29 sa Mindanao Avenue, pwede n’yo na ulit siya i-book starting today. 💆♂️
Two nights in a row, at ito na ang 4th visit ko dito sa Red Phoenix Spa @goldenphoenix29! Every time na pumupunta ako rito, pareho pa rin ang feeling—homey, calming, at sobrang relaxing. Nagulat nga ako na maraming clients kahit around 7 PM palang. Mukhang marami talagang suki at bumabalik dahil sa quality ng service nila.
Ang ganda rin ng room ko tonight. Ang relaxing ng ambiance—malinis, cozy, at tahimik. Pagpasok pa lang, parang nawawala na agad yung pagod at stress mo sa buong araw. Malaking factor talaga yung atmosphere ng room para mas ma-enjoy mo yung massage experience.
My therapist this Saturday night was Ian @Ian77741. Medyo matangkad siya, slim to twinkish side, at may cute na smile. May shy type na aura siya pero huwag kayong magpapaloko dahil pagdating sa masahe, may ibubuga talaga.
What I really like is yung consistency ng routine at sequence nila. Same sa first three therapists na natry ko dito, hindi rin ako na-disappoint kay Ian. Standardized ang flow pero very effective. Talagang nadaanan lahat ng parts ng katawan ko at walang feeling na may na-skip o minadali.
Tamang-tama rin ang pressure niya—enough para mawala yung tension at sakit ng muscles without being too much. From head to foot, ang sarap ng execution. For me, yung Draconix Massage is the perfect balance of therapeutic and sensual flow. Ang classy ng dating niya. Hindi siya yung sobrang intense na makikita mo sa ibang spa, pero mararamdaman mo yung subtle feather-like and ticklish touches na nagbibigay ng extra relaxation.
Perfect siya especially for straight and discreet clients na gusto lang ng mild sensual touch habang nage-enjoy ng quality massage. Hindi bastos sa pakiramdam at hindi rin awkward. Professional pa rin yung approach habang nagbibigay ng unique and relaxing experience. Feeling ko ito talaga yung klase ng massage na maa-appreciate ng mga taong gusto lang mag-relax ng tamang-tama.
And Ian delivered exactly that. Kita mo talaga yung focus niya throughout the session. Every stroke felt intentional, at kabisado niya yung sequence. Isa sa napansin ko, ang smooth ng transitions niya. Parang hindi nawawala yung connection kasi laging may contact yung hands niya sa body ko habang nagpapalit ng technique. Tuloy-tuloy yung flow at very relaxing. Nagustuhan ko rin yung stretching at head massage part—sobrang sarap at definitely one of the highlights of the session.
Highly recommended si Ian! Magaling, attentive, at halatang passionate sa ginagawa niya. Try niyo siya, hindi kayo magsisisi. Sa totoo lang, lahat ng therapists na natry ko rito so far ay pasado at magagaling. Magaling din siguro talaga ang trainer nila dahil very consistent ang quality ng service.
Wait lang ha—10 days pa lang since my first visit, naka-apat na agad akong balik. Ganun siya kasulit para sa akin. Solid ang massage, consistent ang quality, at ramdam mong worth every peso ang binabayad mo.
Thank you again, Red Phoenix Spa and thera Ian! See you again soon!😊🐦🔥🤿
#RedPhoenixSpa
Thank you for choosing RED PHOENIX spa for your moment of relaxation. It’s always a pleasure to take care of you, and we hope you left feeling refreshed, renewed, and recharged.
Napabalik na naman tayo sa Red Phoenix Spa @goldenphoenix29 nitong Friday night para mag-relax at muling i-pamper ang sarili.
Third visit ko na ito, at hindi na naman ako nabigo. Sulit, quality, at solid na massage ang nakuha ko, this time kay Thera Art @Art985937272321. Sa totoo lang, lahat ng natry ko rito ay magagaling, kaya feeling ko talagang maayos ang training ng mga therapists nila. Excited na rin akong matry silang lahat eventually.
This time, in-avail ko ang Draconix Massage. Isa itong unique na combination ng iba't ibang massage techniques. Sa buong 85 minutes, masasabi kong sulit na sulit ang experience. Walang part na parang minadali o nalaktawan. Nadaanan talaga ang buong katawan—likod, balikat, braso, kamay, hita, binti, hanggang talampakan.
Pinaka-nagustuhan ko yung focus sa likod at shoulder area. Ang sarap ng bawat diin, lalo na sa mga part na may built-up na tension. Ramdam ko rin yung maayos na pagmasahe sa mga kamay at palad ko, na madalas hindi nabibigyan ng sapat na attention sa ibang massage. Pati yung thigh at glute area, maayos ding na-work out kaya sobrang gaan ng pakiramdam pagkatapos.
May mga parts na medyo flowy at may konting nakakakiliting moments, pero napaka-smooth ng transitions. Maingat at pulido ang bawat galaw kaya naging very relaxing ang buong session. Walang awkward na moments at very professional ang execution from start to finish.
Aaminin ko, medyo nahihiya akong dumilat minsan dahil iba talaga ang dating ni Art in person. Bukod sa maayos ang pangangatawan niya, malaking advantage rin yung lakas at control niya sa paggamit ng mga braso sa paghagod at pag-release ng tension sa katawan.
Isa rin sa na-appreciate ko kay Art ay marunong siyang makiramdam sa client. Sa umpisa, nakipagkwentuhan siya nang kaunti para maging komportable ako, pero habang tumatagal at ramdam niyang gusto ko nang mag-relax, hinayaan niya akong mag-enjoy sa katahimikan ng session. Simple bagay, pero malaking factor iyon para mas maging relaxing ang experience.
Kung naghahanap kayo ng quality massage at magandang place para mag-unwind, highly recommended ko ang Red Phoenix Spa. At kung magkakaroon kayo ng chance na makuha si Art bilang therapist, subukan ninyo. Gusto ko rin matry next time yung Red Phoenix massage niya dahil feeling ko magugustuhan ko rin iyon.
Napakabait din niya. Nakapagpa-picture pa ako pagkatapos ng session. Sabi niya hindi raw siya photogenic. Medyo malabo lang talaga ang kuha ko dahil madilim, kaya hindi ko na ito ipost. Pero in person, gwapo naman at malakas ang dating ni Art.😊
Maraming salamat, Art at Red Phoenix Spa. Mukhang mapapadalas na talaga ang pagbisita ko rito.
Mayroon din silang VIP card kung saan puwedeng mag-ipon ng points sa bawat pagbisita.
At thank you rin kay Sir Chris. Finally, nagkalakas-loob din akong makausap at makilala ka nang personal. Sana sa susunod, mas mahaba na ang kwentuhan natin.😊
Hanggang sa muling paglipad.😊🐦🔥🤿
#RedPhoenixSpa
Relax, restore, and recharge your body. Our body massage services are designed to ease muscle tension, improve circulation, and bring you into a state of deep relaxation. Your moment of calm starts here.
Sobrang saya ko na “nakauwi” ulit ako Red Phoenix Spa (formerly Golden Phoenix Spa - Mindanao Avenue branch).
Wala pa ring kupas ang masahe ni Thera MJ. Panalo pa rin ang pressure at stretching. Hard kung hard talaga! Durog ang mga lamig sa likod, walang napalampas. Nabugbog ako in a good way. Hehe!
Thank you, @rmtiorm, at nakulayan na natin ang matagal na nating drawing. Sure akong hindi ako napahiya sa pagre-recommend ko sa’yo ng paborito kong spa, inabot tayo ng 7 hours eh. Haha! Sana idagdag mo na rin sa listahan ng mga paborito mo, at sana rin ma-try mo lahat ng thera nila. Balik tayo agad soon?
Thank you, @goldenphoenix29. Maligaw man ako sa ibang spa, uuwian ko pa rin talaga kayo. 💕